Dalawang Miss Universe ng buhay ko

Bandera - - FRONT PAGE -

Ang layo na ni Marvin sa Pilipinas. Ang New Zealand ay napakalami­g pero napakagand­ang bansa. Maputi ang paligid dahil sa snow.

Wala naman siyang problema pagdating sa trabaho at career.

Nang makita ang kanyang credential­s, natanggap siya kaagad sa isang malaking accounting firm.

Maganda ang kanyang position, maituturin­g na ring junior executive. Sa isang magandang apartment siya kaagad napatira.

Pabahay ng giant firm nila.

Wala rin siyang problema sa hindi mataong bansa na ito. Hindi dahilan ito para siya ay malungkot.

Hindi lang siya basta malungkot kundi malungkot na malungkot.

“Hey there, A Filipino … right?”

“Yes. And you, too. Parehong-pareho tayo ng kulay. Kayumanggi.”

“Proud of my color, proud of being Pinoy.”

“Me, too. Kaya nga nang mapatingin ako sa iyo, kilala ko agad na kababayan ka, e. By the way, ako nga pala si Henry. Nandidito rin ang family ko. My wife. And my two sons aging 6 and four.”

“Mabuti ka pa. Daddy na daddy na pala. Why did you choose to work here? Why not … New York? LA? Or Toronto?”

“Eh, ikaw, bakit ito ang pinili mo?”

“May tinakasan lang ako sa Pilipinas. I didn’t want to waste my time choosing. Basta ang kailangan ko lang ay ganito kagandang lugar. Hindi ko alam na New Zealand pala ang gusto ko.”

“Lovelife?”

“Lovelife and friendship.”

Pinagmasda­n siyang mabuti ni Henry. May naaalala ito.

“You’re famous in your own way. Kilala kita, e! Hindi ba ikaw ang boyfriend noong Miss Universe of last year?”

“Good memory! Pero kung puwede lang na hindi na muna siya mabanggit. Isa siya sa mga iniiwasan ko, e.”

“Okay. Eh yung kakambal niya na nanalo ring Miss Universe, iniiwasan mo rin?”

“I’m no good to both of them, dude. Instead magkasundo na sila because kumpleto, ready na sila for a real family …

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.