Australian, Pilipina tigok sa shooting

Bandera - - FRONT PAGE -

BINARIL at napatay ang Australian at kasama niyang Pilipina ng umano'y kasama nila sa loob ng kotse sa Olongapo City kahapon.

Nangyari ang insidente alas-10 ng umaga malapit sa Ulo ng Apo sa bahagi ng Rizal Ave.

Ayon Kay Olongapo City Vice Mayor Jong Cortez, dead on the spot ang dalawang biktima na hindi muna pinangalan­an.

Isa pang Australian ang nagtamo ng tama ng bala. Isinugod ito sa pagamutan.

Base sa inisyal na pagususuri sa mga kuha ng CCTV sa lugar, ang suspek ay kasama mismo ng mga biktima sa loob ng sasakyan.

Idinagdag ng mga imbestigad­or, wala ring nakitang tama ng bala ng baril na galing sa labas kaya tiyak na nasa loob ng kotse ang suspek.

Mabilis na tumakas ang di-nakilalang suspek na ayon kay Cortez ay isa ring dayuhan.

Ligtas naman ang dalawang-taong- gulang na bata na kasama ng mga biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.