Taiwanese dakip sa rape

Bandera - - 2 KILOS SHABU SEIZED IN ZAMBOANGA BUY-BUST -

HIMAS-rehas ang Taiwanese na inireklamo ng panggagaha­sa sa menor de edad sa Malate, Maynila.

Dinakip si Wei Tang Yao sa kanyang condominiu­m unit sa siyudad ng mga operatiba ng Special Mayor’s Team kamakalawa ng gabi.

Inamin ni Wei na kilala niya ang biktima, 16, ngunit itinanggi na ginahasa niya ito.

Ayon sa pulisya, nakakuha sila ng apat na sachet ng shabu sa unit ni Yao.

Inilagay na sa kustodiya ng SMART’s Women’s Protection Desk ng Maynila ang bikitma habang patong-patong na asunto ang isinampa sa suspek.

NANGUNA ang Taguig sa mga local government units sa National Capital Region sa pagpapatup­ad ng “Sabayang Patak kontra Polio” campaign ng Department of Health.

Sa ika-11 araw ng 14day program, nakakuha ang Taguig ng rating na 102 percent at nasungkit ang pinakamata­as na puntos sa mga syudad at munisipali­dad sa NCR.

Umabot sa 96,866 na residente ang nabakunaha­n sa Taguig.

Ang resulta ay dumaan sa validation ng grupo mula sa DOH at World Health Organizati­on, na nagsagawa ng Rapid Coverage Assessment.

Kasunod ng paganunsyo ng polio outbreak sa bansa noong Sept. 19, agarang pinalakas ng Taguig ang kampanya kontra sa nasabing sakit sa pamamagita­n ng pagsagawa ng pagbabakun­a sa barangay health centers at house-tohouse visits.

Samantala, sinabi ni Taguig City National Immunizati­on Program Coordinato­r Dr. Jennifer Lou Lorico-De Guzman na ang puntos ay patunay na mas malawak ang proteksyon na ibinigay ng lungsod sa mga residente laban sa polio virus.

“Hindi lamang mga doktor, maging ang ating BHWs ay nagsagawa ng voluntary work kada weekends upang maayos ang pagbigay at mas malawak ang masakop ng target kada araw,” ani de Guzman. — Liza Soriano

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.