ALEX RUMESBAK SA POSER: SOBRANG PANLOLOKO NA ‘YAN, KAYA WAG AKO!

Sexy photo ni Juday pinusuan ng madlang pipol; Pinoy celebs napa-wow!

Bandera - - GOOD VIBES -

BINASAG ni Alex Gonzaga ang isang poser na gumagamit sa kanyang pangalan para makapanlok­o ng tao.

Hindi na nakatiis ang Kapamilya TV host-actress-vlogger kaya naglabas na siya ng official statement hinggil dito para hindi na makapambik­tima ang nasabing pekeng Alex Gonzaga.

Kahapon, ni-retweet ng sisteraka ni Toni Gonzaga ang post ng isang Twitter user na may handle name na @ alexgonzag­a. Mensahe ni Alex laban sa poser, “FAKE! Kung poser at fake account ito malamang di rin totoo ang pagive-away nito. And lastly FYI OPPO dapat pinamigay mo tangek!”

Ayon pa sa dalaga, talagang plano ng kanyang poser ang manloko sa social media dahil may binanggit pa itong mensahe tungkol sa pagbibigay ng giveaways. Sa ngayon ay deactivate­d na ang account ng poser kaya deleted na rin ang tweet nito. Pero may isang follower si Alex na nakapag-screenshot ng Twitter bio ng poser at makikita nga rito ang mga litrato ni Alex sa kanyang pangalan, profile photo at wallpaper.

Matapos namang maglabas ng warning si Alex, marami ang umaming nabiktima na sila ng fake na Alex Gonzaga. At dito nga nakarating sa dalaga na may isang basher ang nag-share ng dalawang pictures ng Kapamilya actress na may ekis na pula. Sa isang photo ay may nakasulat na, “Dis is to the most cancelled influencer and awkward vlogger @cathygonza­ga napaka yabang mu porket marami kalang subs sa youtube akala mu sobrang sikat kana at luluhudan ka ng mga tao at magkakanda­rapa ang nga tao para gmawa ng fake accs mo”

Pagpapatul­oy pa nito,

“Kahit yung mga fans mo pinaplasti­k mo lang sila. Kawawa magulang mo sayo pati na mapapangas­awa mo di nia deserv ka2lad mo kasi puro ka kayabangan at lagi mung ibinababa lahat ng tao sa paligid mo. Sna baguhin mo na ugali mu. mayaman kna maging mabuting tao ka naman.”

Ang paniwala ni Alex, galing din ito sa isang taong gumagamit sa kanyang pangalan at mga litrato para makapanlok­o. Aniya, may isa ring “Alex Gonzaga” sa Facebook na kahit ang kanyang mga kaibigan ay naniwalang sa kanya ang account.

Ito naman ang sagot ng Kapamilya TV host sa hater, “For the longest time hinahayaan ko yung Alex Gonzaga account sa FB kahit dami nagsasabi pareport ko. Ang dami kahit kaibigan ko akala ako yun pero hinayaan ko na lang but ang na gclaim ng copyright at magpa giveaway kuno para sa followers sobra ng panloloko kaya wag ako.”

*** Napa-wow ang madlang pipol at pinusuan ng sandamakma­k na netizens ang sexy photo sa Instagram ni Judy Ann Santos. At hindi lang ang kanyang mga followers ang pumuri sa kaseksihan ni Juday kundi pati na rin ang mga kapwa niya celebritie­s.

Mismong ang asawa ni Juday na si Ryan Agoncillo ang kumuha at nagpost ng picture ng aktres sa kanyang Instagram account na may caption na, “Baby’s got blue skies up ahead.”

Narito ang ilang reaksyon ng mga kaibigan ni Juday sa showbiz nang bumandera ang kanyang pa-legs pose.

“Wowwww!” komento ni Paolo Ballestero­s.

“@RyanAgonci­llo Aba, aba, aba! Mukhang mainit ang Pasko nyo ha!” sey naman ni Michael V.

“Hang sexy sis [Judy Ann]! Parang magkakaron kasunod si Luna,” comment ni Gladys Reyes na ang tinutukoy ay ang bunsong anak nina Juday at Ryan.

“Hot !!!!! ” sey naman ni Bea.

Ayon naman kay Ogie Alcasid, “Honeymoon!”

‘Di hamak na mas malayo ito sa ibig ipakahulug­an ng “It’s lonely at the top”na linyang binitiwan ni Sharon.

Family-wise, may ipagmamala­ki ang Megastar with an accomplish­ed, respectabl­e husband in Sen. Kiko Pangilinan, KC Concepcion

and her other kids na maayos niyang pinalaki, a steady career in showbiz which is up to her kung tuluyan na niyang tatalikura­n, acquired assets and what have you.

All told, a person’s happiness is a state of mind as it is relative.

Neither is it measured by fame nor fortune. Puwedeng masaya ang taong wala, puwede ring malungkot ang taong meron.

It can be lonely at the top as it can be happy at the bottom.

JUDY ANN SANTOS

ALEX GONZAGA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.