Brgy. chair sugatan sa ambush

Bandera - - METRO -

SUGATAN ang barangay chairman nang tambangan ng mga di pa kilalang salarin sa Santa Rosa City, Laguna noong Huwebes.

Dinala sa pagamutan si Godofredo dela Rosa, chairman ng Brgy. Dita, dahil sa mga tinamong pinsala sa kanang bahagi ng dibdib, kaliwang braso, at kaliwang tuhod, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Naganap ang insidente alas-9, sa arko ng Mariquita Pueblo, Brgy. Dita.

Papasok si Dela Rosa sa Mariquita Pueblo lulan ng kanyang Honda City sedan nang paulanan ng bala ng dalawang lalaki ang kanyang sasakyan, ayon sa ulat.

Itinakbo ang chairman sa Saint James Hospital at pagdaka’y inilipat sa isa pang pagamutan sa Binan City.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakil­anlan, kinaroroon­an, at motibo ng mga salarin, na umano’y mga naka-itim na t-shirt at sumbrero. – John Roson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.