Benepisyo ng senior citizen mula sa PhilHealth

Bandera - - METRO -

MAGANDANG araw po Aksyon Line. Ako po si Angelica Simon, taga Tondo, Manila po. Magtatanon­g lang po sana ako dahil po kaka-retire lang ng tito ko sa kanyang trabaho sa isang kompanya. Sixty one years old na po siya.

Hindi na rin po kalakasan ang katawan, may mga pangangail­angang gamot na rin po at medical assistance. Paano na po ang PhilHealth niya ngayong hindi na po siya nagtatraba­ho? Ano po ang benefits na maaari niyang makuha pagkatapos ng kanyang retirement? Paano rin po siya matutulung­an ng PhilHealth sa mga kailangan niya?

Inaasahan ko po ang inyong sagot. Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang, Angelica Simon

Blk 18 lot 37, Maryhomes Subd.

Bacoor, Cavite REPLY: Under RA 11223 o UHC Law, Indirect Contributo­rs na ang mga senior citizens kaya dapat magparehis­tro na sa nearest PhilHealth Office.

Entitled na po sila sa iba’t ibang hospitaliz­ation benefits at wala nang babayarang monthly premium. Iba pa po ang benepisyo nila na makukuha bilang isang senior citizen.

Maaari po kayong tumawag sa PhilHealth Action Center 8-4417442 para sa karagdagan­g impormasyo­n.

Maraming salamat po. Lubos na gumagalang, CORPORATE ACTION

CENTER Hotline: (02) 4417442 Text Hotline: (0917) 8987442 Website: www.philhealth.

gov.ph Email: actioncent­er@philhealth.gov.ph

FB: https://www.facebook.

com/PhilHealth­official/ Twitter: https://twitter.com/

teamphilhe­alth Youtube: www.youtube. com/teamphilhe­alth

***

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbi­log@yahoo.com. ph or jenniferbi­log1977@ gmail.com.

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingk­uran sa abot ng aming makakaya.

***

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakingga­n sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghaya­n o mapanood sa pamamagita­n ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.