Batocabe murder trial ililipat sa Metro Manila

Bandera - - METRO -

ILILIPAT sa Metro Manila mula Legazpi City ang pagdinig ng kaso laban kay dating Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo na iniuugnay sa pamamaslan­g kay Ako Bicol party list Rep. Rodel Batocabe

Sa kautusan noong Nobyembre 27 na inilabas noong Huwebes, pinayagan ng Korte Suprema ang petisyon ng pamilya ni Batocabe.

Sinabi ng pamilya na natatakot sila sa kaligtasan ng kanilang mga testigo matapos namang payagang makapagpiy­ansa si Baldo.

Kinasuhan si Baldo at limang iba pa ng dalawang bilang ng murder kaugnay sa pagpatay kina Batocabe at Senior MSgt. Orlando Diaz noong nakaraang Disyembre 22.

“Although there was no proof that accused Baldo would threaten them and there is the undisputab­le fact that the prosecutio­n was able to freely present its witness during the bail hearings, the fact remains that there is now an apprehensi­on or fear on the part of the private complainan­ts,” sabi ng Kataastaas­ang Hukuman. --Inquirer.net

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.