8 at 2 ang mahiwaga

Bandera - - HOROSCOPE -

DEAR David,

SUMULAT ako upang malaman ko ang mga mahiwagang numero at kulay na bumabalot sa aking buhay. Mahilig ako sa suwertres at lotto, bigyan mo rin sana ako ng numero rito.

Nasira ng bagyo ang bahay namin at hanggang ngayon ay hindi pa nagagawa. Ipinangana­k ako noong Oktubre 17, 1966. Bigyan mo ako ng gabay sa tagumpay. Ulila na ako sa mga magulang at ang mga kapatid ko ay pawang nasa malalayong lugar. Nais kong makapagpat­ayo ng sarili kong bahay kahit maliit lang. Ano ba ang masusuwert­e kong taon, buwan at petsa?

WILMA NG MISAMIS Dear Wilma,

EIGHT (8) at two (2) ang mga mahiwagang numero mo. Kulay itim at berde ang bwenas mo. Buntala ng Saturn at Moon ang kumukontro­l sa iyong buhay.

Sa totoo lang, hindi ka magtatagum­pay nang nagsosolo sa buhay. Kailangan mo ng kasama, kung wala kang asawa, mag-ampon ka o kumuha ng isang matalik na kaibigan na lagi mong makakakuwe­ntuhan o makakatabi sa pagtulog upang mahigop mo ang magagandan­g kapalaran sa iyong paligid.

May lihim kang lungkot na siyang dumidiskar­il sa mga buwenas na papalapit sa iyo. Pero makakapagp­undar ka naman ng sarili mong bahay at lupa at magaganap ito sa pagsapit ng mapapalad mong taon 2020 at 2021 kung kailan matutupad din ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na trabaho.

Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 8, 11, 18, 23, 28, 30 partikular kapag natatapat sa araw ng Martes at Biyernes.

Sa totoo lang, puwede ka namang magtinda ng mga sariwang gulay, karne, prutas at mga nilutong pagkain upang magkaroon ka ng mapagkakak­itaan at iyan ang magiging pundasyon ng iyong pagtatagum­pay.

Sa suwertres, isama mo sa No. 8 at No. 2 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod; 3-7-1118-22-28-34-37-40-42. ASSET tips: 5-8-1/ 1-26/ 8-2-4/ 8-2-1/ 6-2-1. Wiretips; 4-8-1/ 8-2-1/ 8-92/ 1-2-8. Double digit: 5-8/ 1-4/ 8-2/ 6-7. Luzon guide; 3-7-11-19-22-28-34-37-4042. VisMin: 4-7-11-19-22-2834-37-40-42. MegaLotto: 5-8-11-19-22-28-34-37-4042. Four Number: 5-7-2-1/ 8-2-2-1/ 8-2-5-6/ 1-2-6-7.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.