Bandera

Motor nagsuwagan: 2 patay, 1 sugatan

-

DALAWANG lalaki ang nasawi at isa pa ang nasugatan nang magsalpuka­n ang dalawang motorsiklo sa Roxas, Isabela kamakalawa ng hapon.

Kapwa dead on arrival sa ospital ang driver ng dalawang motor, na sina Edwin Parocha at Rex Bulauan, ayon sa ulat ng Isabela provincial police.

Nagtamo naman ng mga pinsala sa katawan ang angkas ni Parocha na si Amador Ticman.

Naganap ang insidente sa bahagi ng National Highway na sakop ng Brgy. San Placido alas-2:30.

Lumabas sa imbestigas­yon na lumipat sa kabilang lane ang motor ni Parocha kaya nasalpok ang motor ni Bulauan. –John Roson

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines