Bandera

Partner ng dinukot na Tsino person of interest–pulisya

-

SUGATAN ang 26-anyos na lalaki matapos tamaan ng kidlat habang nangingisd­a sa karagatan ng Panglao, Bohol kahapon ng hapon.

Nasunog ang balikat at likod ni Kenneth Montalban,

residente ng Brgy. Poblacion sa bayan ng Dauis.

Agad siyang dinala sa Gov. Celestino Gallares Memorial Hospital sa Tagbilaran City para magamot. –Inquirer

ITINUTURIN­G ng pulisya bilang person of interest ang mister ng babaeng Chinese na dinukot sa Makati kamakailan.

Ayon kay Makati City Police Criminal Investigat­ion Unit chief Maj. Gideon Ines, nakausap nila ang live-in partner ng bitkimang si Zhou Mei na kinilalang si Chen Tangbin.

Ani Ines, may mga ‘inconsiste­ncies” sa mga pahayag ng lalaki. Nagtataka rin ang Makati police kung bakit lumipas pa ang ilang oras bago nagtungo sa mga otoridad si Chen.

Samantala, sinabi ni Ines na nakita sa CCTV na matapos ang pagdukot sa biktima ay nagpaikot-ikot lang sa palibot ng Makati ang sasakyang kumuha sa kanya.

Maliban kay Chen ay nakausap na rin ng otoridad ang employer ni Zhou, na isang empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Ani Gideon, base sa kuwento ng boss ni Zhou ay mapagkakat­iwalaan ang biktima sa pera, walang utang at hindi rin nagsusugal.

Dahil dito, ayon sa opisyal, lumakas ang teorya nila na maaaring may kinalaman ang livein partner ng biktima sa pagdukot.

Safe ang PH–DOT Kaugnay nito, tiniyak ng Department of Tourism na nananatili­ng ligtas ang bansa sa mga turista. “Very much,” sabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat. “Hindi naman kasi

nakikita, kunwari

nila may nangyayari dito, akala nila buong Pilipinas na ‘yun.”

Tiniyak ni Puyat na nakikipag-ugnayan na ang DOT sa Department of the Interior and Local Government at Philippine National Police para matiyak ang kaligtasan ng mga turista.

“I am very confident when it comes to the DILG and the PNP that they will handle it. Police matters are with them and we always assure that our tourist cops especially in our tourist destinatio­ns na hindi ito mangyayari (that this [abduction] will not happen),” aniya.

“We will not promote a destinatio­n na hindi safe If it’s safe, that’s what we will promote,” dagdag ni Puyat. –Liza Soriano, Radyo Inquirer, Inquirer.net

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines