Bandera

METRO

-

Higit 20 pamilya nasunugan

MAHIGIT 20 pamilya ang nawalan ng tahanan sa dalawang magkahiwal­ay na insidente ng sunog sa Maynila at Quezon City kahapon at kamakalawa.

Sa Maynila, nagsimula ang sunog alas-3:48 ng madaling araw kahapon sa bahagi ng Road 10 sa Vitas, Tondo.

Agad kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay doon, ayon sa imbestigad­or.

Hindi naman lumaki ang sunog at naapula ito makalipas ang tatlong minuto.

Walang nasugatan sa insidente pero sinabi ng Manila Fire Bureau na aabot sa 23 pamilya ang nawalan ng tirahan sa insidente.

Samantala, isang dalawang palapag na bahay ang natupok ng apoy sa Antique st., Brgy. Ramon Magsaysay sa Bago Bantay, Quezon City alas-7 ng gabi kamakalawa.

Ayon kay Insp. Joseph del Mundo ng QC Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa silid Ng bahay ni Elisa Candelaria.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago naapula alas-8:12.

Bukod sa pamilya Candelaria, dalawa pang pamilya ang apektado ng sunog.

Aabot

sa P100,000 ang halaga ng napinsalan­g ari-arian. –Radyo Inquirer, Leifbilly Begas

P.4M shabu nasabat

ARESTADO ang dalawang lalaki na nahulihan ng P400,000 halaga ng shabu sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Billyser Villeta, 41, at Rodolfo Viola, 41, kapwa nasa drug watchlist ng Brgy. Culiat.

Dinakip ang mga suspek alas-9:45 ng gabi sa Central Avenue Brgy. Culiat Quezon City makaraang makabili ang poseur buyer ng P1,000 halaga ng shabu.

Nakuha pa sa mga suspek ang 60 gramo ng shabu na nagkakahal­aga ng P408,000 isang sachet na may 10 gramo ng marijuana, baril at mga drug parapherna­lia. –Leifbilly Begas

LRT tumirik

NAGKAABERY­A ang biyahe ng Light Rail Transit Line 1 kahapon.

Alas-6:39 ng umaga nang masira ang isa sa mga bumibiyahe­ng tren kaya nagpatupad ng stop for safety sa north bound o Baclaran papuntang Roosevelt.

Nasira ang tren sa bahagi ng Vito Cruz station.

Nagbalik naman sa normal ang operasyon nito bago mag-alas-7 ng umaga. –Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines