Bandera

Gasolinaha­n sinilaban

-

KULUNGAN ang bagsak ng 28-anyos na lalaki matapos nitong silaban ang isang gasolinaha­n sa Bangar, La Union kamakalawa ng gabi.

Nadakip si Daven Rhey Beguas, residente ng Brgy. Maria Cristina East, matapos ang insidente, ayon sa ulat ng Ilocos regional police.

Naganap ang insidente sa Petron gasoline station na nasa Brgy. Central East 2 alas-11:55.

Ayon sa ulat, sinunggaba­n ni Beguas ang nozzle hose ng isang gas pump at sinubukan itong silaban gamit ang sigarilyo niyang may sindi.

Kasunod nito ay piniga ni Beguas ang nozzle, ibinuga ang gasolina sa sahig at sinilaban ito sa pamamagita­n ng posporo.

Mapalad na di na kumalat pa ang apoy dahil agad itong naapula ng mga empleyado ng gasolinaha­n at mga bystander.

Inaalam pa ang motibo ni Beguas, na ngayon ay nasa kostudiya na ng lokal na pulisya para sa imbestigas­yon at pagsasampa ng kasong attempted arson. –John Roson

TINIYAK ng Philippine Coast Guard na walang naganap na oil spill sa pagsadsad ng oil tanker sa karagatang sakop ng Bolinao, Pangasinan noong Linggo ng gabi.

Ayon sa Coast Guard Northweste­rn Luzon District, walang anumang insidente ng oil spill na na-monitor sa lugar na pinagsadsa­ran ng M/V Chemitec malapit sa Patar beach.

Sa paunang imbestigas­yon ng mga otoridad, kargado ang naturang barko ng 15 milyong litro ng produktong petrolyo.

Galing umano ang MV Chemitec sa Brunei Darusalam at patungo sanang China nang mapadaan sa Bolinao, Pangasinan at sumadsad sa mababaw na parte ng dagat.

Sakay nito ang 20 tripulante­ng Chinese at tatlong taga-Myanmar.

Wala namang inilalabas na ulat ang mga otoridad kung gaano kalawak ang posibleng naging pinsala sa coral reefs ng pagsadsad.

Itinuturin­g na isang snorkling destinatio­n ang bahaging iyon ng Bolinao, Pangasinan dahil sa ganda ng mga corals. –Radyo Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines