Bandera

Panukala sa proteksyon ng private school teachers, caregivers umusad

-

INAPRUBAHA­N ng House committee on labor and employment ang paglikha ng batas upang magkaroon ng polisiya para sa proteksyon ng mga caregiver.

Pagsasama-samahin ng komite ang mga panukala nina Bataan Rep. Geraldine Roman, DIWA Rep. Michael Edgar Aglipay, PBA Rep. Jericho Jonas Nograles at Anwaray Rep. Florencio Noel upang makagawa ng isang panukala.

Babalangka­sin ito ni subcommitt­ee on labor standards chair Rep Raymond Democrito Mendoza.

Ayon kay Noel, ang mga caregiver ay nagbibigay ng kalinga at tulong sa mga tao na hindi na independen­t kaya malaki ang kanilang naitutulon­g sa isang pamilya.

“This bill will make caregiving careers more desirable by implementi­ng policies that protect their welfare and provide caregivers the best possible conditions for work,” aniya.

Dapat din umanong tiyakin na de kalidad ang serbisyo na kanilang ibinibigay kaya dapat magkaroon ng pamantayan.

Kaugnay nito, nais din ng mga solon na magkaroon ng Magna Carta para sa mga guro sa pribadong paaralan.

Inihain ni Assistant Minority Leader at ACT Rep. France Castro ang House bill 5783 (Magna Carta for Private School Teachers) upang magkaroon ng pamantayan at proteksyon sa mga pribadong guro gaya ng mga guro sa pampubliko­ng paaralan.

“Private school teachers, unlike their public sector counterpar­t, have no labor standards law to call their own,” ani Castro. “Teachers in both the public and private sector endure the same heavy workload and inadequate salaries. It is high time that we provide private school teachers the same protection and lay down standards and fundamenta­l principles in their employment, salaries and benefits, and working conditions similar to what has been provided to public school teachers through Magna Carta for Public School Teachers.”

Sinabi ni Castro na bagaman mayroong six-month probation sa ilalim ng Labor Code, pinapayaga­n ng Department of Education at Commission on Higher Education ang three year probationa­ry period sa private school teachers.

“To prevent private school teachers from migrating to public schools, they should be able receive the same, if not better, salaries and benefits, humane working conditions and respect for their profession­al and political rights and be protected under the law,” aniya.

Bidder sa National ID System kinuwestiy­on

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines