Bandera

PH arnis team bibida sa pelikula ni Lapid

-

Ni Liza Soriano

INANUNSYO ni Sen. Lito Lapid na gagawin niyang bida sa pelikula ang mga miyembro ng Philippine Arnis Team na nakasungki­t ng mga gintong medalya sa Southeast Asian Games.

Kamakalawa ay binigyang parangal ni Lapid ang koponan na nakahakot ng 14 na ginto, apat na silver at dalawang bronze na medalya sa katatapos na palaro.

Ayon sa senador, naalala niya ang pelikula niyang “Kamagong,” kung saan gumamit siya ng arnis bilang sandata, sa pagkapanal­o ng koponan.

Naalala rin umano niya ang dialogue niya roon na “Lumipad ka na parang isang ibon, dumapo ka na parang isang dahon na tuyo sa lupa.”

Bunsod nito, isiniwalat ng senador na gagawa siya ng sequel ng nasabing pelikula kung saan makakasama niya ang mga miyembro ng team.

Matatandaa­ng naisabatas noong 2009 ang panukala ni Lapid na ideklarang National Martial Arts at Sports ang arnis.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines