6 tiklo sa ‘bust’
SA Lunes ay inaasahang makabibiyahe na ang mga bagong tren ng Philippine National Railway na dumating sa bansa.
Ang dalawang bagong diesel multiple unit train ng PNR ay inilagay na sa riles kahapon. Ang bawat tren ay mayroong tatlong bagon.
Bibiyahe ang mga ito ng Malabon at FTI route. Ang bawat coach ay maaaring makapagsakay ng 250 katao.
Sa Enero ay inaasahang darating ang apat pang train set na binili sa Indonesian firm na PT. Industri
Kereta Api (Persero) “PT INKA”. Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P485.31 milyon.
Ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade, nang umupo ang Duterte administration ay 17 lamang ang ruta ng mga tren ng PNR. Ngayon ay mayroon ng 36 na ruta.
“Trains namin ngayon can just go six trips dahil nga maintenance issues. Ito, we’re slating this for between 8-10 trips per day at 800 per set (ang maisasakay),” ani PNR general manager Junn Magno.
KALABOSO ang anim na lalaki sa buy bust operation sa Quezon City kahapon ng umaga.
Nakuhanan ng 10 sachet ngshabuangmgasuspekna sinaOrlandoGonzales,Enrico Charls Molina, Marlon Magbitang, Edgar Fernandez, Rudolfh Elizarde, 27, at Jayson Malabanan, 31.
Nagsagawa ng operasyon ang pulisya alas-3 ng umaga sa Margarita st., Brgy Gulod Nova matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay sa pagbebenta umano ng shabu ng ilan sa mga suspek.
Nagkakahalaga ng P13,600 ang shabu na nakuha umano sa mga suspek.