Bandera

‘Yolanda’ survivor sumagwan para sa tagumpay ng Pinoy

SEA Games dragonboat event

-

Ni Dennis Christian Hilanga

HINDI makakalimu­tan ni Joanna Barca ang araw nang humagupit ang bagyong Yolanda sa Pilipinas na halos gumunaw sa kanyang mga pangarap.

Sa edad na siyam noon, mapalad pa rin si Barca na makaligtas sa delubyo. Umabot sa 6,340 ang nasawi dahil dito.

“Wala po kaming makain, mainom, masuot, washed out talaga,” kuwento niya.

Makalipas ang anim na taon, matatag niyang hinaharap ang hamon ng dagat. Sa oras na ito, sa larangan ng dragonboat.

Isa siya sa magigiting na atleta ng Philippine Canoe Kayak Federation na lumahok sa 2019 Southeast Asian Games.

Hindi man nakapag-uwi ng ginto, hindi anya matatawara­n ang mapabilang sa national team kahit bata pa.

“Nagpursigi ako na makapasok talaga,” sabi ni Barca na naging national athlete sa edad na 14.

Ito ang kanyang unang sabak sa SEA Games kung saan kasama siya sa 22-man team na nagwagi ng bronze sa 500 meters mixed event.

Nabinyagan ang bagito nang mapasama sa World Cup sa China noong 2018.

Kwento pa ni Barca, nais niyang makatulong sa ama na mangingisd­a, kaya ang nakukuhang allowance ay ipinadadal­a niya rito.

“Tuwing nakakasaho­d nagpapadal­a po ako, nakakatulo­ng-tulong na rin,” pahayag ng Yolanda survivor.

Plano niya na mailipat ang pamilya sa konkretong bahay na hindi aabutin ng alon.

“Gusto ko makapagpat­ayo ng bahay na malayo sa dagat,” aniya.

Pinatatag ng bagyo, pangako ni Barca na patuloy niyang sasagwanin ang alon ng buhay para sa mga mithiin.

“Pinatibay noon ‘yung puso ko,” dagdag pa ng SEA Games bronze medalist.

“Nilagay ko sa isip ko na kailangan kong labanan yung Yolanda para sa kanila.”

 ??  ?? JOANNA BARCA
JOANNA BARCA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines