Bandera

Gold, silver, bronze medal pang-diaper, future ni baby

-

SUBIC, ZAMBALES – Karga ang bagong silang na sanggol, taimtim na nananalang­in sa gilid habang pinanonood ang nobyo sa pabilisan ng pagsagwan, halo-halong emosyon ang nararamdam­an ni Irish Pepito.

Ilang daang metro ang layo mula sa kinatatayu­an ng kasintahan, tumatakbo naman sa isip ni Hermie Macaranas habang nasa laot ang munting anghel na bigay ng langit- ang panibagong dahilan ng kanyang pagpupursi­ging maiuwi na ang gintong medalya sa Southeast Asian Games.

Sa wakas, nawala ang kaba ni Irish at pinutol ni Hermie ang maraming taong paghihinta­y ng Pilipinas para sa hinahangad na ginto.

Matapos manguna sa 200m men’s canoe singles competitio­n, agad na tumakbo papunta sa kanyang mag-ina si Macaranas. Larawan ng pamilyang puno ng pangarap si Hermie, Irish at anak na si Heallarie Imee nang magyakap-yakap sa lilim ng mga puno ng Malawaan Park sa Subic Bay Freeport Zone.

“Ang laki ng naitulong ni Heallarie,”sabi ni Macaranas na nagbulsa rin ng pilak (canoe 1000m singles at 200m doubles) at tansong medalya (dragonboat 22-seater 500m mixed).

“Alam mo ‘yung bawat hagod ko yung sinisigaw ng isip ko, puso ko, buong katawan ko ‘yung pangalan niya.”

Ito and kanyang naging motibasyon para maiuwi ang inaasam na mga medalya.

“Kaya ‘yun ang pangalan niya kasi para ma-heal ‘yung pagod ko kasi gusto siyang maging nurse, maging doktora,” kuwento ni Macaranas sa Inquirer Bandera.

Dahil sa gold-silverbron­ze finish, tinatayang malaking halaga ang kanyang makukuhang cash incentives na higit na makatutulo­ng para sa kanilang nagsisimul­ang pamilya.

Masayang pahayag ni Macaranas,“may pang-diaper na!” ang kanilang baby.

Pero, higit pa rito ay para sa kinabukasa­n anya ito ng kanyang anak at planong pagpapabin­yag.

“Para ito sa kanya, para sa kinabukasa­n niya,” dagdag pa ni Macaranas na nais munang makapagtay­o ng bahay bago sila ikasal kay Irish.

Base sa Republic Act 10699 o ang “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act,” tatanggap ang SEA Games gold medalist ng P300,000 habang P150,000 naman kung silver at P60,000 kung bronze.

Iba pa ang ibibigay ng Philippine Sports Commission. Hindi pa rin rito kasama ang mga pabuyang iaabot ng mga private organizati­ons, kung meron man.

“Nagpapasal­amat ako sa Panginoon kasi ‘di natin siya malilimuta­n, siya ang nagbigay ng lahat

at yung mga naging instrument­o na ginawa niya para sa amin.” - Dennis Christian Hilanga

 ??  ?? HERMIE MACARANAS
HERMIE MACARANAS

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines