SARAH MAY SARILING KWARTO NA SA BAHAY NI MATTEO; NAGPAPRAKTIS NANG MAGING MISIS
HANGGANG ngayon ay marami pa rin ang hindi makapaniwala sa balitang nagpakamatay umano ang aktor na si Mico Palanca sa pamamagitan ng pagtalon sa isang residential building sa San Juan.
Minsan din naming nakatrabaho ang guwapong binata lalo na nu’ng panahon nila ni Bea Alonzo, his ex-girlfriend, at masasabi naming during that time, tahimik lang siya pero mahusay makisama. Kuwela rin siyang kausap na kahit at that time ay mas sikat ang kanyang kuya Bernard Palanca, nagagawa niyang magbiro na mas guwapo siya (totoo naman!) sa kapatid.
Mga three years ago na nu’ng huli namin siyang makitang masigla at masaya kaya’t yung sinasabing nagkaroon ito ng depression at mental health issue ay nakaka-shock talaga.
Sa aming pagtatanong, wala pang nakakapagpatunay na inatake nga ng matinding depresyon si Mico that led to his death. Sigiro ngayon ay respetuhin na lang natin ang request ng kanyang pamilya na bigyan muna sila ng privacy habang nagluluksa.
Ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga naulila ni Mico at patuloy na dasal sa ikatatahimik ng kanyang kaluluwa. Rest in Peace Mico!
* * *
Ngayon pa lang ay nangangamoy best actor na para kay
dahil sa napakagaling niyang pagganap bilang mentally-challenged father sa “Miracle in Cell No.7,”isa sa mga entry sa MMFF 2019 mula sa Viva Films.
Although nakita na namin ang ganu’ng klase ng atake ni Aga in one of his movies, mas ramdam namin ang pagiging “ama” niya sa karakter ni
We remember Hollywood star Sean Penn sa isang award-winning role niya habang pinanonood namin si Aga bilang isang tatay na may sakit sa pag-iisip at nakulong sa kasalanang hindi naman niya ginawa.
Sobra rin kaming humanga kay Xia (sure kaming magkaka-award din ang bagets) sa kanyang mga drama moments with Aga and of course hindi pa rin matatawaran ang acting sa pelikula nina
at
Hindi namin napanood ang Korean version ng movie kaya’t hindi namin maikukumpara ang treatment na ginawa ni Direk sa Pinoy adaptation nito.
Basta ang masasabi lang namin, punumpuno ito ng drama, ng makabagbag damdamin na mga eksena at husay ng mga performers na kaiinisan at mamahalin mo. Sana nga ay tangkilikin ito ng manonood sa Dec.25.
***
Ay, sobrang “in” na nga sa Guidicelli
family ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo!
Bukod sa mga private gathering na kasali siya, the latest was yung pag-abay niya sa kasal ng isa sa kapamilya ni Matteo Guidicelli,
aba’y may chikang binigyan na rin daw ang dalaga ng sariling“room” sa tahanan ng kanyang fiance.
Ayon sa aming ka-Chismacker Kapatid na Ervin, hindi na bisita ang turing kay Sarah every time na nasa tahanan ito nina Matteo dahil “misis” na ni Matteo ang turing nila rito.
Sa katunayan, binigyan na rin siya ng chance na ipagluto roon si Matteo ng mga favorite food nito, parang practice na rin sa pagiging furure Mrs. Matteo Guidicelli.
Pero don’t get us wrong ha, hindi pa nagli-live in ang future husband and wife, ha!
***
Five years na nang simulan ng PLDT Smart ang kanilang GABAY Kalikasan Sustainability program, pero nitong taon lang nila ito pormal na ni-launch.
Hindi lang ito isang advocacy project dahil part and parcel ito ng lahat ng gawain ng naturang kumpanya na naniniwala at nagtataguyod ng pagkakaroon ng
“safe and balanced Earth” .
Headed by our dear friend kumare Madam
bilang Chief Sustainability Officer, layon nitong palawakin ang awareness sa pag-aalaga ng ating kalikasan sa pamamagitan ng mga proyektong involve ang kanilang mga produkto mula sa cellphone, at iba pang gadgets, tubig, at maging sa pagtitipid ng kuryente, pagkakaroon ng paperless billing at marami pang iba.
“We have to get involved. This is not just an issue of being a responsible industry practitioner but this is more of our everyday existence that contributes to climate change and everything about making this world a more live-able earth,”said Madam Chaye na naniniwalang malaki ang maitutulong ng mga taga-showbiz sa kanilang campaign.
Very willing nga ang kanilang mga Gabay Guro volunteers na makiisa sa nasabing project mula kina
kina
at
hanggang
at iba pang celebrity na naniniwalang makabuluhan, makatotohanan at tunay na napapanahon ang naturang programa.