Bandera

Smokey Manaloto nasa GMA 7 na; may bonggang ganap sa ‘The Gift’

Tsinelas ni Jo Berry pinagtripa­n ni Alden sa taping

-

PAGKATAPOS patawanin at paiyakin ni Baeby Baste ang Kapuso viewers sa GMA Telebabad series na The Gift, isa na namang bagong karakter ang makikilala n’yo this week.

Sa pagpapatul­oy ng kuwento ng The Gift, asahang mas marami pang haharaping pagsubok si Sep (Alden Richards), na ginagampan­an ni Kapuso actor at Asia’s Multimedia Star Alden Richards. At ngayong linggo nga, mapapanood na ang komedyante­ng si Smokey Manaloto na gaganap bilang si Bradley,

isang lalaking may koneksiyon kay Helga na ginagampan­an naman ni Sophie Albert.

Ano ang magiging ganap ni Bradley sa buhay ni Sep? Kalaban ba siya o kakampi? At ano ang kinalaman niya sa buhay ni Helga?

Samantala, ngayong nakabalik na sa kanilang bahay si Jared (Martin del Rosario) ano naman ang susunod niyang gagawing kasamaan laban kay Sep para tuluyan na itong mawala sa landas niya? O, baka naman biglang magbago ang ihip ng hangin kapag nalaman niyang kapatid pala niya ang taong kinamumuhi­an niya?

At ngayong inaatake na ng selos at galit si Francine (Rochelle Pangilinan), traydurin nga kaya niya si

Javier (Christian Vasquez) at tuluyan nang isumbong kay Nadia (Jean Garcia) ang totoo - na tunay na anak niya si Sep?

Napapanood pa rin ang The Gift mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad, sa direksyon ni

LA Madridejos. Kasama pa rin dito sina Mikee Quintos,

Mikoy Morales, Divine Tetay, Betong Sumaya, Ysabel Ortega at marami pang iba.

Samantala, muling nagpasabog ng good vibes sina Alden at Jo Berry sa social media matapos kumalat ang kanilang kulitan sa sa isang behind-the-scenes video na kinunan set The Gift. Habang naghihinta­y si Alden para sa next take niya kasama sina Jo at Elizabeth Oropesa (bilang sina Nanay Straw at Lola Char), hindi napigilan ni Alden na pagtripan ang tsinelas ng bulinggit na aktres.

“Bakit wala ka ngang tsinelas?” pang-aasar ni Alden sa kanyang nanay-nanayan sa serye.

“Kinuha mo nga!” hirit naman ni Jo.

“Huwag kang magsinunga­ling sa camera. Nakikita tayo sa camera. Hindi ko kinuha tsinelas mo,” pahayag naman ng Pambansang Bae kaya tawanan ang production staff sa taping.

In fairness, talagang adik na adik na ngayon ang mga Kapuso viewers sa kuwento ng The Gift hindi lang dahil sa mga aral ng buhay napupulot dito kundi pati na rin sa palabang aktingan ng lahat ng members ng cast.

Comment nga ng isang netizen, “Ramdam na ramdam mo ang puso sa The Gift kaya kahit sa isang simpleng eksena lang mapapauha ka na. Ibang klase ang epekto ni Sep pati na ng iba pang artista na kasama niya sa viewers. Parang pagkatapos mong manood ng The Gift, gusto mo nang magpakabai­t, gusto mong tumulong nang tumulong sa iyong kapwa.”

Sey naman ng isa pang viewer, “Ang galing galing ni Alden bilang si Sep. Talagang manunuot sa laman mo ang akting niya. Parang gusto mo siyang makasama lagi dahil ang bait bait niya. Sana mas tumagal pa ang The Gift. Kudos to everybody involved sa production.”

 ??  ?? ALDEN RICHARDS AT SMOKEY MANALOTO
ALDEN RICHARDS AT SMOKEY MANALOTO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines