METRO

Bandera - - FRONT PAGE -

Bebot sa ‘most wanted’ aresado

ISANG babae na top 10 sa most wanted list ng Anonas Police sa Quezon City ang naaresto.

Si Lhenvert Conge, 22, walang trabaho, at residente ng Area 6, Botocan, Quezon City, ay naaresto alas-10:40 ng umaga kahapon sa tapat ng Unit 2 Duhat st., Cuenco Ave., Pagrai Hills, Brgy. Mayamot, Antipolo City.

Siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Maya Joy Caposanto, presiding judge ng Metropolit­an Trial Court branch 120 ng Malabon City. – Leifbilly Begas

Tumawid sa Edsa, patay

NASAWI ang isang lalaki matapos na masagasaan habang tumatawid sa EDSA, Quezon City kahapon ng umaga.

Isa umanong palaboy at nangangala­kal ang biktima na hindi pa batid ang pangalan.

Binabagtas ng puting van na minamaneho ni Lauro Salazar ang Santolan flyover sa EDSA ng bigla umanong tumawid ang lalaki ala-1 ng umaga.

Tumama ang lalaki sa windshield ng sasakyan dahilan upang mabasag ito. Agad na binawian ng buhay ang lalaki. – Leifbilly Begas

African engineer nanghipo, dakma

KALABOSO ang isang African national nang ireklamo ng panghihipo sa isang dalaga sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Nahaharap sa kasong acts of lascivious­ness ang dayuhan na si Johnson Nimel, 32, engineer, at di nabanggit kung saan nanunuluya­n.

Inireklamo si Nimel ng 22-anyos na dalaga na taga-Makati City.

Sa ulat ni Cpl. Renelyn Cammagay, may hawak ng kaso, naganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima ala-1:30 ng madaling araw.

Ayon sa biktima, naliligo siya sa harapan ng kanilang bahay nang biglang lumapit sa kanya ang dayuhang suspek at pinaghihip­uan sa maseselang parte ng katawan nito.

Humingi ng tulong ang biktima sa Bantay Bayan na sina Mark Gil Tolentino at Jomar Ailes na sanhi ng agarang pagkakaare­sto ng African. – Liza Soriano

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.