Summer na—Pagasa

Bandera - - NEWS -

NAGSIMULA na ang tag-init sa bansa dahil natapos na ang pag-iral ng northeast monsoon o amihan, ayon sa Philippine Atmospheri­c Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion.

Sa abiso ng weather bureau na inilabas kahapon, terminated na ang amihan na naghuhudya­t ng pagsisimul­a ng dry season.

Sa mga susunod na linggo ay mas malakas na ang pag-iral ng easterlies o ang mainit na hangin mula sa Dagat Pasipiko.

Maghahatid ito ng mainit at maalinsang­ang panahon.

“Sa pagtatapos ng Amihan, ang Easterlies mula sa Pasipiko ang iiral sa bansa sa mga susunod na linggo. Magdudulot ito ng mainit at maalinsang­ang panahon na maaaring samahan ng isolated thundersto­rms sa hapon o gabi,” ayon sa Pagasa.

Pinayuhan ng ahensya ang publiko na maging maingat upang Hindi magkaroon ng “heat stress.”

Umapela rin ito sa publiko na maging matalino sa paggamit ng tubig para maiwasan ang kakapusan ng suplay nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.