May­may kinilig nang mala­man ang tu­nay na ‘ feel­ings’ ni Ed­ward

Cebu Libre - - SHOWBIZ -

Mat­a­pos aminin sa loob ng Ba­hay ni Kuya na galit siya sa kanyang tu­nay na ama na nang-iwan sa kanila noon, gusto pa rin ng PBB Lucky Sea­son 7 Big Win­ner na si May­may En­trata na makita ang tatay niya.

“Gusto ko lang po mag­pasala­mat sa kanya kasi kung hindi niya ako ini­wan hindi ako si May­may po kung ano ako ngayon,” ani May­may.

Hiningan din si May­may ng men­sahe para sa kanyang lolo na siyang nag­palaki sa kanya na pumanaw nga ha­bang nasa loob siya ng PBB house.

“Papa Joe, gusto kong mag­pasala­mat sa ’yo ng buong puso dahil ikaw po yung nag­tay­ong Papa sa akin. At hindi ko naram­daman na parang bro­ken fam­ily dahil nandiyan ka.”

Nang tanun­gin ni Boy Abunda kung ano ang nag­ing reak­siyon niya nang mala­mang may “feel­ings” sa kanya ang kapwa house­mate niyang si Ed­ward Bar­ber, “Ngayon ko pa lang po nala­man. Ngayon na alam ko na, hindi ko mapig­i­lan na kili­gin!”

Newspapers in English

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.