Daily Tribune (Philippines)

PBA, PURNADA ULI

- NI BEA MICALLER

Muli na namang napurnada ang pagbabalik ensayo ng Philippine Basketball Associatio­n (PBA) matapos ibalik ng gobyerno ang Metro Manila sa modified enhanced community quarantine mula ngayong araw hanggang Agosto 18.

Ayon kay PBA Commission­er Willie Marcial, malaki ang tsansa na maunsiyami ang pagbubukas ng liga dahil mismong ang ensayo ng labindalaw­ang koponan ay ililipat sa ibang araw bunsod sa utos ng gobyerno na higpitan ang community quarantine sa mga lugar sa bansa na matinding tinamaan ng coronaviru­s disease (COVID-19).

“Baka i-postpone na rin natin yung testing kasi nga hindi rin naman sila makakapag-ensayo,” sabi ni Marcial sa isang panayam sa Concept News Central.

“Nakakalung­kot, siyempre. Pero ito ang desisyon ng government so we really have to follow.”

Noong Hulyo 27, una nang natanggap ng PBA ang Joint Administra­tive Order (JAO) mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) on the Management of Emerging Infectious Disease n a sama-samang pinirmahan ni Chairman Baham Mitra ng Games and Amusements Board (GAB), Chairman William Ramirez ng Philippine Sports Commission (PSC) at ni Secretary Francisco Duque ng Department of Health (DoH).

Ayon sa nasabing order, maaari nang bumalik sa pagsasanay ang mga profession­al na manlalaro sa ilalim ng ilang mahigpit na health protocols.

Sa panig ng PBA, inatasan nito ang mga atleta at iba pang mga opisyal na sumailalim sa swab testing bago muling magsama-sama sa mga training facilities.

Sa hindi inaasahang pagkakatao­n naman nitong nakaraang Linggo, nagdesisyo­n si Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang National Capital Region sa mas mahigpit na community quarantine bilang sagot sa panawagan ng mga health workers na magkaroon sila ng ‘timeout’.

Samakatuwi­d, apektado ang liga ng desisyon na ito dahil nakasaad sa MECQ guidelines ang pagbabawal sa pagbubukas ng mga gyms at iba pa nitong kauri.

Sinabi naman ni Marcial na makikipag-usap siya sa GAB para sa posibilida­d na gawin ang mga training sessions sa labas ng Maynila o sa mga lugar na ‘low risk’ sa virus.

“I will talk to GAB and tignan namin kung pwede yung training sa ibang lugar bukod sa Metro Manila,” saad ni Marcial. “Pero isa lamang ito sa mga options namin. Pag-uusapan pa namin ito in the next days.”

Sa ngayon, inaabangan din ni Marcial kung magpapataw­ag si PBA Chairman Ricky Vargas ng board meeting sa mga susunod na araw para talakayin ang mga susunod na hakbang ng liga.

 ??  ??
 ??  ?? Ang aksyong ito sa PBA ay matagal-tagal pang masisilaya­ng muli ng mga die-hard fans dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa. PBA Images
Ang aksyong ito sa PBA ay matagal-tagal pang masisilaya­ng muli ng mga die-hard fans dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa. PBA Images

Newspapers in English

Newspapers from Philippines