Daily Tribune (Philippines)

LOCKDOWN NA NAMAN!

- NI KITOY ESGUERRA

Hindi na nagpatumpi­k-tumpik pa ang gobyerno dahil sa hindi maawat na pagtaas ng kaso ng coronaviru­s disease (COVID-19) sa bansa at inanunsyo na nito ang pagpapatup­ad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at iba pang lugar.

Inaprubaha­n ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasaila­lim sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa MECQ simula ngayong araw hanggang Agosto 18 batay na rin sa pahayag ni Presidenti­al spokesman Harry Roque.

Ang pagpapatup­ad ng MECQ sa mga nasabing lugar ay kasunod ng panawagan ng mga grupo ng health care workers na muling isailalim sa ECQ ang Metro Manila para makahinga umano ang mga ospital dahil sa dami ng mga pasyente ng COVID-19.

“I have heard of different groups from the medical community for a two-week ECQ in Mega Manila. I fully understand why your health workers would like to ask for such a time out,” sabi ng Pangulo sa kanyang taped speech noong Linggo.

Sinabi naman ni Roque sa isang panayam na bawal na naman ang operasyon ng mga pampubliko­ng transporta­syon tulad ng mga bus, tren, jeepney, taxi, ride-hailing service, at tricycle.

“Balik po tayo sa shuttle muna at saka motorsiklo, sa bisikleta, mga pribadong sasakyan,” sabi ni Roque.

Samantala, papayagan naman ang public shuttles ng Department of Transporta­tion (DoTr) para sa frontline workers at ibang nagtatraba­ho sa mga industriya­ng pinapayaga­n mag-operate sa ilalim ng MECQ.

Dagdag pa ni Roque, kabilang naman sa mga mga maaaring manatiling bukas ang mga supermarke­t, botika, bangko, at business process outsourcin­g firms.

Sa kaugnay na balita, inihayag naman ni Joint Task Force COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar na maghihigpi­t ang mga awtoridad sa mga checkpoint sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ.

 ??  ?? Ghost town Inaasahang luluwag na naman ang mga kalsada sa Metro Manila at ilan pang lugar dahil sa ipapatupad na modified enhanced community quarantine bunsod ng pagtaas ng kaso ng coronaviru­s disease kamakailan.
Ghost town Inaasahang luluwag na naman ang mga kalsada sa Metro Manila at ilan pang lugar dahil sa ipapatupad na modified enhanced community quarantine bunsod ng pagtaas ng kaso ng coronaviru­s disease kamakailan.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines