Daily Tribune (Philippines)

BODY SHAMERS, DEDMA KAY SOLENN

- NI JOHN PAUL FRANCISCO

Keber at walang pakialam si Solenn Heusaff sa mga tinagurian­g “body shamers” na walang alam gawin kundi ang mangialam sa buhay ng iba at manlait ng ibang tao dahil sa kanilang pisikal na kaanyuhan.

Ngayong may anak na si Solenn – ang napakagand­ang si Baby Thylane Katana -- aminado na siyang hindi na niya maibabalik ang dati niyang katawan matapos niyang manganak.

Dagdag niya, pinakamahi­rap na pagsubok umano ito para sa isang nanay dahil bukod sa effort na maibalik ang dating timbang, nandiyan pa ang 24/7 na pag-aalaga sa mga baby at ang pag-aasikaso sa asawang si Nico Bolzico.

Ibinahagi ni Solenn sa kanyang pinakahuli­ng vlog ang ilang simpleng workout para sa mga tulad niyang mommy na nais maibalik ang kanilang pre-pregnancy weight.

Araw-araw naglalakad si Solenn sa loob ng 20 minutes, nagyoyoga rin siya with matching breathing exercises. Nagsusuot din siya ng binder sa tiyan at siyempre ang pagkain ng masusustan­syang pagkain.

“If you were ripped down there it might be a little difficult but the process is kinda the same in getting slowly back to your routine, not forcing anything, and making sure that you listen to your body and you listen to the advice of your OB-GYN and doctors,” ayon kay Solenn

“You need to know that getting back is not simple, it will take time. When you’re C-sectioned, everything seems misplaced or moved around so feeling that core again isn’t going to happen right away,” dagdag niya.

Inilahad din ni Solenn na kung minsan ay nalulungko­t din siya dahil sa kabila ng effort niya sa pagwo-workout, parang hindi pa rin nababawasa­n ang kanyang timbang. “I was stuck at 65 kilos for three months. I could see that I’m losing weight, I’m shrinking, I was getting rid of my water retention but my weight stayed the same way. It made me depressed in a way because I do not understand,” saad ni Solenn. “There’s a lot of body shaming when you aren’t pregnant and there is still a lot when you are pregnant and I’ve had a lot of people tell me, ‘Ay maganda ka naman kahit buntis’ or ‘Blooming ka kahit nanganak ka,” dagdag niya.

“Is that supposed to mean that people that gave birth don’t look good? Or people that just gave birth aren’t supposed to be glowing? I don’t think so. Women that go through pregnancy go through a lot… A lot of things change in your body and it’s difficult as it is. From a normal body, you don’t recognize yourself so we do not need the extra thought bubbles of other people. Thank you very much.”

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines