Daily Tribune (Philippines)

MAYMAY ENTRATA, MAY MATINDING HAMON

- NI LARS ALEXANDERS­SON

Ngayon pa lang ay lubos na ang kasiyahan ni Maymay Entrata na naging parte siya ng isang digital project ng Star Cinema na “The Four Bad Boys and Me” na hango sa Wattpad.

Gayunman, sinabi ni Maymay na ibang hamon ito para sa kanya kung saan ginampanan niya bilang isang narrator at video jockey sa nasabing digital lovecast.

“Sobrang na-excite ako noong unang sinabi sa akin na ako ang narrator. K-drama fan ako at sobrang tumatatak sa akin ang K-drama feels habang binabasa ko ang script,” sabi ni Maymay.

“Sobrang challengin­g, parang hindi ko maimagine na ‘o ikaw ang cameraman, ikaw ang magaayos ng ilaw, ikaw mag-aayos ng shot, tapos magmemoriz­e.’ Sabi ko, ‘Okay po.’ Pero pagnandoon ka na, hindi mo alam kung ano ang uunahin mo, audio ba, rolling, tapos ikaw ba ang clapper, ikaw pa ang magsasabi ng sequence... pero kasi ang gaan ng mga kasama ko si direk at lahat ng mga kasama ko. Sila ang nagsasabi na kaya mo ‘yan. Kaya napabilis ag shoot namin,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Maymay na dahil sa mga naranasan niya, mas na-realize niya na hindi talaga biro ang ginagawa ng mga nagtatraba­ho sa likod ng camera.

“Challengin­g siya at the same time kapag natapos mo ‘yung shoot ay sobrang worth it kasi mas naa-appreciate mo ang cameraman, naa-appreciate mo ang nag-aayos ng ilaw, nage-edit ng videos, sobrang hirap pala. Hindi biro ang pasensiya na ibinibigay nila sa artista kaya blessed din ako na na-experience ko ang experience na ito kasi mas lalo ko silang na-appreciate dahil doon,” saad ni Maymay.

Sa ilalim ng direksiyon ni Joel Ferrer, magsisimul­ang mapanood ang “The Four Bad Boys and Me” sa Agosto 27 sa YouTube channel at Facebook page ng Star Cinema.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines