Daily Tribune (Philippines)

CHECKPOINT­S, BALIK-LANSANGAN

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Magsisibal­ikan na sa mga kalye ang quarantine checkpoint­s ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield sa pagsisimul­a ngayon ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Ang checkpoint­s ay upang masiguro na tanging mga otorisadon­g tao lang ang lalabas sa kani-kanilang mga pamamahay, ayon kay JTF commander P/ Lt. Gen. Guillermo Eleazar.

Haharangin din sa checkpoint­s ang pagtawid ng mga tao sa iba’t-ibang munisipali­dad o siyudad para bumili lang ng pagkain o anupamang produkto.

“Kung dati po ‘yung paglipat natin ng GCQ, usually ‘yung ating quarantine control points ay nasa boundary na lang ng probinsiya at mga rehiyon, dito po sa mga lugar under MECQ ay ‘yun pong mga boundary ng cities and municipali­ties, maglalagay na po tayo diyan,” wika ni Eleazar.

“So that only APOR (authorized persons outside of residence) will be allowed to pass. ‘Yun pong mga non-APOR na mag-a-avail o bibili nitong mga goods and services na available, ‘yan po ay dapat i-avail nila doon sa lugar nila. Hindi na sila puwedeng mag-cross po ng cities and municipali­ties,” dagdag niya.

Sinabi naman ni Interior Secretary Eduardo Año na ipatutupad ng local government units ang paggamit ng quarantine passes sa MECQ areas mula ngayong araw hanggang 18.

Paiigtingi­n naman daw ng Department of Health ang contract-tracking sa mga na-expose sa COVID-19 habang nasa ilalim ng MECQ ang na-identity na high-risk areas.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines