Daily Tribune (Philippines)

‘WAG MATIGAS ANG BUNGO

-

Hayan at ibinalik na nga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Tumaas na kasi sa 103,185 ang kaso ng coronaviru­s disease 2019 (COVID-19) nitong Linggo.

Ang aksyon ng Pangulo ay batay sa rekomendas­yon ng Department of Health (DoH) at mga doctor, nurses at iba pang medical frontliner­s na siyang nakakakita ng sitwasyon sa ground zero.

Ang totoo’y dalawang linggong hard lockdown o ECQ ang hinihingi ng ating health frontliner­s dahil nakikini-kinita na nila na di kakayanin ng mga ospital sa bansa ang pagdagsa ng COVID-19 patients.

“Timeout” muna daw, sabi ng mga tagapaglig­tas ng bayan sa larangan ng medisina. Anila, kung magpapatul­oy ang mas maluwag na general community quarantine ay mas dadami pa ang COVID cases natin. Sakto!

Saan naman kasi tayo nakakita na niluwagan lang ng pamahalaan ang guidelines sa quarantine ay parang nakakawala­ng baboy sa kural ang marami nating kababayan. Nagdagsaan sa mga mall, restaurant at iba pang public places.

Bakit? Nawala ba ang “veerus” dahil kinailanga­n ng pamahalaan na balansehin ang pangangail­angang pangkalusu­gan ng bawat mamamayan sa kalusugan ng ekonomiya ng bansa?

Hindi naman pero akala mo ay invincible na sina Juan at Juana dela Cruz. Nagpartypa­rty na ang ilan habang sa mga kanto sa slum areas ay meron nang sumisimple ng inuman.

Nitong Linggo ay 5,032 bagong COVID cases ang natala at 20 new deaths naman para sa 2,059 total fatality. No. 1 na tayo sa rehiyon at No.25 worldwide sa dami ng may COVID.

‘Wag kasi tayo pasaway. Dapat magsimula ang disiplina sa ating mga sarili sa pagsunod sa health protocols tulad ng paghuhugas ng kamay, social distancing at pagsusuot ng masks at face shield.

Iwasan din ang pagiging tsismosa dahil sa bawat buka ng bunganga mo ay nagkakalat ka ng COVID at masamang hangin.

Huwag na tayo gumaya pa kay Metro Manila police chief Debold Sinas na imbes na maging punong tagapagpat­upad ng batas ay lumabas pa na promotor ng paglabag.

Hindi naman siguro madali makalimuta­n ang mananita n’yo ano sir? ‘Wag tayong maging d’bold. Wag matigas ang mukha natin. Sumunod tayo dahil walang patawad ang “veerus” na ito.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines