Daily Tribune (Philippines)

CRIME OF THE YEAR

- NI KITOY ESGUERRA

Tinagurian­g “crime of the year” ni resigned Philippine Health Insurance Corporatio­n (PhilHealth) anti-fraud officer Thorrson Montes Keith ang nangyayari umanong katiwalian sa ahensya kung saan isiniwalat niya na nagbulsa umano ng ilang opisyal ng aabot sa P15 bilyon.

Sa pagdinig sa Senado kaugnay sa mga umano’y nangyayari­ng anomalya sa PhilHealth, ikinuwento ni Keith na inuutusan umano ni PhilHealth president Ricardo Morales ang kanyang mga tauhan upang makipag-negosasyon umano sa isang anti-corruption agency na nag-iimbestiga sa umano’y overpricin­g ng ahensya sa mga coronaviru­s disease (COVID-19) test kits.

Ayon pa sa kanya, inutusan umano siya ni Morales na kausapin ang isang opisyal ng Presidenti­al Anti-Corruption Commission (PACC) para “hilutin” umano ang imbestigas­yon nito.

“May pagkakatao­n na inutusan pa ako ni Brig. Gen. Ricardo Morales na puntahan ko si Commission­er Greco Belgica para hilutin ang kaso ng PhilHealth sa overpriced testing kits,” saad ni Keith.

“Inayawan ko po ang kaso at sinabi ko po... na ano na lang po tingin sakin ni Greco Belgica ‘pag papakiusap­an ko siya hinggil sa kaso?” dagdag niya. “Namula si Brig. Gen. Morales nung sinabi ko ‘yun.”

Ang imbestigas­yon sa Senado ay bunsod sa obserbasyo­n ng ilang senador na ang package ng PhilHealth para sa COVID test kits at nasa P8,150, mas mataas kumpara sa mga nabibili ng ilang private firms sa halagang P750.

Samantala, pinabulaan­an naman ni Morales ang mga paratang at sinabing hindi siya coddler ng mga tiwaling opisyal sa ahensya.

“I deny that I am the coddler of the wrongdoers in PhilHealth and I manifested earlier that if I could have an executive session to be able to explain my side,” saad ni Morales sa Senate hearing.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines