Daily Tribune (Philippines)

KORINA, KINABOG ANG SOCMED!

- NI LARS ALEXANDERS­SON

Hindi talaga matatawara­n ang effort na ginagawa ni veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas upang manatiling healthy at fit.

Pruweba rito ang kanyang latest swimsuit photo na kanyang ipinost sa Instagram kung saan makikita na talaga namang fit na fit at seksing-seksi si Korina at ayon sa kanya, effort kung effort ang ginagawa niya para ma-maintain ang kanyang ideal weight.

Talagang kina-career niya ang pagwo-workout at healthy lifestyle dahil bukod sa pagkahilig sa swimming, binabantay­an din niya ang kanyang diet at kailangan daw balanse ang lahat ng kinakain niya sa araw-araw.

Sa mga ibinahagin­g larawan ni

Korina, makikita ang kaseksihan ng Rated K host na may toned muscles na produkto ng regular niyang paglangoy.

“Just to report to you: From 118 days since Day One of lockdown on March 17: 121lbs pre COVID; down to 110 lbs in 2 months. “And I’ve been able to maintain. (that’s REAL challenge). 20-50g daily carbs only. SWIMMING. 5 lb weights. Kaya mo rin yan. #BestLife,” saad ni Korina sa kanyang IG post.

At huwag ka, puro positibong komento ang natanggap ni Korina mula sa netizens kabilang na ang ilang celebritie­s tulad ni Bea Alonzo at ayon sa iba, mukhang nakatagpo na rin siya ng “fountain of youth.”

Sey ng isa niyang follower, pwedeng-pwede raw siyang makipagsab­ayan sa bikini pictorial nina Maja Salvador at Nadine Lustre para sa isang clothing brand.

Comment ng isa pang netizen, talagang ayaw daw pakabog ng misis ni dating Sen. Mar Roxas habang marami naman ang nagsabi na siya raw ang bagong “dyosa” ng mga kababaihan­g nasa edad 50 pataas.

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines