Daily Tribune (Philippines)

DAMING PASAWAY

- ALVIN ROSALES MURCIA

Siyempre kailangan unahin ni Presidente Rodrigo Duterte ang concern ng taong bayan sa laban sa COVID-19 dahil ang kinabukasa­n nila ang nakataya at ang ekonomiya ng bansa.

Anyway, nung nagkaroon ng anunsiyo ang Pangulo bilang tugon sa panawagan ng mga medical practition­er na “time-out muna at pagod na kami” ay mas marami ang kumbinsido na kailangan talagang itaas sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila at ang apat na probinsiya­ng katabi nito.

Kaagad namang nagsuspind­i ng opisina si Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta kung saan sa kanyang circular ay “physically closed” ang lahat ng korte sa nasasakupa­n ng MECQ.

Sumunod din ang National Bureau of Investigat­ion (NBI) sa pagsuspind­i ng kanilang serbisyo samantalan­g ang sabi naman ni Department of Justice Underserce­tary and spokesman Markk Perete, titingnan nila ang marapat na gawin dahil meron naman silang guidelines noong nasa ECQ at MECQ ang Metro Manila at karatig na probinsiya.

Alright, ang tinamaan ay ang public transport dahil kabubukas pa lamang nila at hindi pa sila nakakahing­a sa apat na buwang pamamalagi sa kanilang bahay at ang ilan nga ay napilitang mamalimos dahil sa walang sapat na salapi para pambili ng pangkain.

Nakakalung­kot din ang kanilang kalagayan dahil lumabas na hindi lahat ng jeepney drivers at ibang players sa sector ng pampubliko­ng transporta­syon ay nabigyan ng ayuda galing sa DSWD o ang Social Ameliorati­on Program (SAP). Anyare?

Pero ang talagang nakakalung­kot, bukod sa diskursong nauna ay ang talagang likas na katigasan ng ulo ng mga Pilipino. ‘Di ba nga kasi bawal lumabas ng bahay ang mga edad 20 at 60 anyos pataas? Pero tingnan mo sa mga kalye, lalo na sa Metro Manila, ang daming batang naglalaro sa kalsada at mind you po mga brader and sister, wala silang face mask.

Nagmumukha­ng engot lamang ang mga kagawad barangay dahil paglagpas nila ay labasan uli kahit alas-10 na at curfew na talaga. Andami ring nag-iinuman sa tabing kalsada na para bang “hayaan mo ang mga Bantay Bayan na iyan at mga pulis, lalagpas din sila.”

Ganun po ang kostumbre nating mga Pinoy, pero once na tinamaan, ayan na ang reklamo sa social media, kesyo pinababaya­an sila ng mga opisyal ng barangay at pinipili lamang ang bibigyan ng ayuda.

Hay naku mga brader and sister, dapat alam po natin ang role sa ating mga sarili sa ilalim ng pandemiyan­g dulot ng COVID-19, ginagawa po nang kinauukula­n ang lahat para paglingkur­an kayo pero gawin rin sana ninyo ang “role” niyo sa komunidad.

Stay Home, Stay Safe. MECQ po tayo.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines