Daily Tribune (Philippines)

TOXIC SANITIZERS

-

Sa loob ng anim na buwan mula noong Marso ay kung anu-anong quarantine alphabet na ang nadikdik sa kukote natin. Nandyan ang ECQ, GCQ at ang “M” variants na MGCQ at MECQ.

Kumbaga, alam na natin ang dapat gawin ngayong nakababa uli ang modified enhanced community quarantine sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan at Rizal.

Dahil wala na uling public transpo, skeletal force na uli ang maraming essential businesses. Yung kailangang pumasok sa opisina o sa pabrika ay kailangang ihatid-sundo ng company shuttles kung walang sariling sasakyan.

Sa personal, nasa sintudo-kumon na siguro ng lahat na kailangan sumunod sa social-distancing, regular na paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng mask at – higit sa lahat – hindi paglabas ng pamamahay kundi rin lang importante ang lakad.

Kung hindi makapaghug­as ng kamay, meron namang hand sanitizer na pwede gamitin. Pero teka, ano itong balita na marami nang nabulag at namatay sa Amerika dahil sa pagggamit ng toxic sanitizers?

Totoo, mismong ang US Food and Drug Administra­tion (FDA) ang nagbabala na may 87 brands ng sanitizers sa merkado ang nakalalaso­n dahil nahaluan o hinaluan ng methanol.

Ang methanol ay isang uri ng alcohol na kapag pumasok sa balat ay maaaring makalason, o kung sa mata ay makabulag. Kung ito naman ay mainom ay nakamamata­y rin.

Hindi na bago sa pandinig nating mga Pinoy ang methanol dahil marami na ang namatay diyan dahil sa paginom ng kontaminad­ong lambanog.

Sa pagsisimul­a ng pandemya na ito, nagkaubusa­n ng alcohol at sanitizers dahil sa hoarding na nangyari. Sa kabutihang-palad ay maraming kumpanya ang pumuno sa kakulangan.

Ngayon, sa harap ng sandamakma­k na sanitizers sa US na napatunaya­ng nakalalaso­n dahil may methanol, dapat lang na kumilos ang ating Bureau of Food and Drugs (BFAD).

Dapat isalang ng BFAD sa pagsusuri ang lahat ng sanitizers at alcohol products sa bansa upang masiguro na wala silang halong methanol.

Pangit naman siguro na sa pagiwas natin na mahawa sa COVID-19 ay nabulag o namatay naman tayo dahil ang gamit pala nating sanitizer ay toxic.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines