Daily Tribune (Philippines)

EBIDENSYA BA? IBIBIGAY NAMIN — SOTTO

- NI JOHN PAUL FRANCISCO

Hindi na nagpatumpi­k-tumpik pa si Senate President Vicente Sotto III at sinabing ibibigay nila sa Malacanang ang hinihingin­g ebidensya kaugnay sa mga nangyayari umanong katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporatio­n (PhilHealth).

“Nanghihing­i ng ebidensiya eh. Hanapin natin ang ebidensya,” sabi ni Sotto.

Subalit sinabi rin ng Senate President na binibigyan niya pa rin ng benefit of the doubt si PhilHealth president Ricardo Morales dahil maari ring wala umano itong kinalaman sa mga nangyayari umanong anomalya sa ahensya.

“Mayroon pa rin possibilit­y na napapalibu­tan siya at ‘yung sinasabi sa kaniya ay hindi accurate, hindi tama, pinagsisin­ungalingan siya,” saad ni Sotto. “I hope the other side is not true which is alam niyang nangyayari ‘yun. ‘Yun ang mabigat na pangyayari na sana hindi totoo.”

Dagdag pa ni Sotto, dapat na rin umanong pag-isipan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbalasa sa pamunuan ng PhilHealth.

Sinabi rin ng Senate President na ang mga pahayag ni Morales noong Senate hearing ay mga conflictin­g statements umano at maaring makaapekto sa kredibilid­ad ng ahensya.

“Mabigat ‘yun. I don’t think it’s a small lie,” sabi ni Sotto. “He should have been very careful sa mga sinasagot niya. Hindi natin alam ngayon kung kailan siya nagsasabi ng totoo.”

Kung matatandaa­n, sinabi ni Morales na ang pag-apruba niya sa promosyon ng limang opisyal ng PhilHealth na kasangkot umano sa “ghost dialysis scam” ay dahil umano sa walang kaso ang inihain laban sa kanila.

Kinalaunan, binago ni Morales ang kanyang pahayag matapos ipakita ni Sotto ang ebidensya na may kasong graft, usurpation of judicial functions at grave misconduct ang mga ito.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines