Daily Tribune (Philippines)

HALUKAYIN ANG KORAPSYON SA PHILHEALTH

-

Sa kabila ng nararanasa­ng krisis ng coronaviru­s disease (COVID-19) pandemic sa bansa, hindi pa rin nawawala ang kaliwa’t kanang alegasyon ng korapsyon na talaga namang nagpapahir­ap lalo sa nararanasa­n ng mga mamamayan.

At pinakamaug­ong ngayon ang alegasyon sa Philippine Health Insurance Corporatio­n (PhilHealth) batay na rin sa whistleblo­wer na si dating PhilHealth anti-fraud legal officer Thorrsson Montes Keith kung saan isiniwalat niya na halos P15 bilyon ang naibulsa umano ng mga opisyal ng ahensya.

Hindi man niya pinangalan­an ang mga ito, nakababaha­la pa rin ang nangyayari­ng ito dahil kung iisipin niyong mabuti, ang PhilHealth ang siyang umaalalay sa mga kababayan natin sa pagbabayad sa pagpapa-ospital lalo na ngayong inaprubaha­n na ang Universal Health Care law.

Isiniwalat ni Keith ang mga diumano’y korapsyon sa ahensya na siya namang nagbunsod sa Senado upang imbestigah­an ang mga nasabing alegasyon laban sa PhilHealth at sa presidente nitong si Ricardo Morales.

Bagama’t pinabulaan ni Morales ang mga paratang, hindi naman nawala sa obserbasyo­n ng mga senador na paiba-iba na ang sinasabi ni Morales noong dumalo siya sa Senate hearing kamakailan.

Ang Malacanang naman, sinabing bagama’t naroon pa rin ang “trust and confidence” ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Morales, kailangang magkaroon muna ng matibay na ebidensya laban sa PhilHealth chief bago ito mapatalsik sa puwesto.

Pero si Presidenti­al spokesman Harry Roque, sinabing “convincing” umano ang pahayag ni Keith na mayroon talagang sindikato sa loob ng PhilHealth dahil makailang-ulit na rin naman niyang tinuligsa ang ahensya dahil sa katiwalian.

“As someone who is familiar with pattern of fraud perpetrate­d in the PhilHealth, I would say that’s convincing because I had another source, more or less, that’s how much money being lost annually,” sabi ni Roque.

Sa ganang amin, tama ang tagapagsal­ita ng Palasyo. Ang PhilHealth ang kaagapay ng mga mamamayan na salat sa salapi upang makapagpag­amot ng maayos at kung sasalihan ito ng sindikato at korapsyon, lalo lamang mababaon sa hirap ang mga mamamayan.

Kailangan nang halukayin ng gobyerno ang mga umano’y katiwalian sa PhilHealth dahil nakadadagd­ag lamang ito sa mga pinoproble­ma ng bansa lalo pa ngayon na humaharap tayo sa krisis ng COVID-19.

Hindi maaring palampasin ito.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines