Daily Tribune (Philippines)

BUBBLE SET-UP PARA SA PHL JINS

- NI IAN SUYU

Isang bubble set-up ang gagawin ng Philippine Taekwondo Associatio­n (PTA) upang masimulan ang training ng mga atleta nito sa oras na alisin na ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila.

Ayon kay PTA secretary general Rocky Samson, isinumite na nila ang kanilang training program sa Philippine Sports Commission (PSC) kung saan iminungkah­i nila na gagawin ang training sa isang secluded facility.

Dagdag niya, tinitingna­n nila ang National University (NU) o kahit anong university sa Metro Manila na mayroong maayos na training facility para sa mga national athletes na sumusubok makakuha ng tiket sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.

“NU is one of our targets as training venue after being recommende­d by our coaches and athletes,” sabi ni Samson “But we are also considerin­g other schools with set-up for taekwondo training.”

Isa si Southeast Asian Games gold medalist Pauline Lopez sa mga nagmumungk­ahi na magkaroon ng bubble set-up para makapaghan­da sila para sa Tokyo Olympics.

Sa ngayon, nagpapatul­oy ang training ni Lopez upang mapalakas pa lalo ang kanyang tiyansa para sa Summer Games.

“I’m all out for safety protocols while training, but I don’t think they already have their own bubble,” sabi ni Lopez na isa sa nakikitang makakasali sa Olympics kasama nina Kirstie Alora, Butch Morrison, Arven Alcantara and Kurt Barbosa.

“I’m all for it.”

Ayon naman kay Samson, ibibigay ng federation ang kailangan ng mga atleta, kasama na ang pagkain araw-araw.

“They will be housed and everything will be provided to them, including their meals,” sabi ni Samson. “Health officers will be assigned there to monitor them and their coaches will also be there. That’s our plan for the whole year.”

“We are just waiting for the approval of the PSC and the chief of mission,” dagdag niya.

 ??  ?? Pauline Lopez
Pauline Lopez

Newspapers in English

Newspapers from Philippines