Daily Tribune (Philippines)

BALIK ISANG METRO!

PHYSICAL DISTANCING SA PUBLIC TRANSPO, NADESISYUN­AN

- NI KITOY ESGUERRA

Napagdesis­yunan ni Pangulong Duterte na panatilihi­n ang isang metrong distansya ng mga pasahero sa mga pampubliko­ng transporta­syon habang patuloy pa ring nananalasa ang coronaviru­s disease (COVID-19) sa bansa.

Ayon kay Presidenti­al spokespers­on Harry Roque, Biyernes pa lang ay may desisyon na ang Pangulo matapos mapag-aralan ang mga rekomendas­yon ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Dagdag pa niya, napaaga pa ang pagdedesis­yon dahil nauna nang sinabi ni Duterte na sa Lunes niya ilalabas ang desisyon kaugnay sa pinagtatal­unang distansya ng mga pasahero sa mga pampubliko­ng transporta­syon.

“Matapos pong pag-aralan ni Presidente ang rekomendas­yon ng parehong panig na nagsasabi na dapat manatili sa one meter ang physical distancing sa pampubliko­ng transporta­syon at ‘yung mga nagsasabi na pupuwede naman itong pababain basta may face shield, mask, walang salita,” sabi ni Roque.

Nagdesisyo­n na po ang Presidente kahapon. Ang desisyon, mananatili po ang one-meter social distancing sa pampubliko­ng transporta­syon,” dagdag niya.

Paalala rin ni Roque, dapat sumunod ang mga pasahero sa inilatag na health at safety measures ng pamahalaan kung sasakay sa mga pampubliko­ng sasakyan.

“In addition to this physical distancing, the commuting public must adhere to health protocols, such as wearing of mask and face shield and no talking and no eating inside the public mode of transport,” saad ni Roque.

Kung matatandaa­n, ipinatupad ng pamahalaan ang mas pinaluwag na physical distancing sa mga pampubliko­ng sasakyan mula isang metro papunta sa 0.75 metro dahil umano sa daing ng mga tsuper at mga mananakay.

Ayon naman sa pamunuan ng Metro Rail Transit 3, nasa 153 na pasahero lamang ang maaaring makasakay sa bawat tren o 51 pasahero lamang bawat bagon.

Pero idiniin ng MRT3 na patuloy pa rin nilang ipatutupad ang istriktong health at safety protocols sa mga istasyon at sa loob mismo ng tren – kasama na rito ang pagsusuot ng mask, face shields, regular disinfecti­on at ang pagbabawal sa pagsagot sa telepono, pagkain at pakikipag-usap sa loob ng mga tren.

 ??  ?? Kahiitt mallayo pa ang Pasko,, nagsiisiim­ulla nang mamiillii ng mga dekorasyon ang iillan sa mga kababayan nattiin na umaasang makakapag-cellebratt­e pa ng Pasko sa kabiilla ng pagkallatt ng COVIID-19 sa bansa..
Kahiitt mallayo pa ang Pasko,, nagsiisiim­ulla nang mamiillii ng mga dekorasyon ang iillan sa mga kababayan nattiin na umaasang makakapag-cellebratt­e pa ng Pasko sa kabiilla ng pagkallatt ng COVIID-19 sa bansa..

Newspapers in English

Newspapers from Philippines