ANNE, PLANADO NA NG BUHAY SA PINAS
Nasa Australia pa rin ang aktres at TV host na si Anne Curtis kung saan doon niya ipinanganak ang kanyang unica hija sa asawa niyang si Erwan Heussaff.
Pero ang isip ni Anne, lumilipad na patungo sa Pilipinas dahil ayon sa aktres, pinaghahandaan na niya ang kanyang mga gagawing proyekto once na makabalik siya sa bansa.
March nang nanganak si Anne sa napakagandang baby girl na pinangalanan niyang Dahlia.
“We’ll see. I’ve spoken to Viva, may mga movies na kaagad pag-uwi ko anytime na magaganda din. Actually tinatanong na nga ako kailan ako uuwi. But we’ll see. In terms of going digital, siyempre that option will be there anytime lalo na ‘yung asawa ko napaka-savvy when it comes to that world,” kuwento ni Anne.
Pero habang nasa Australia pa, ine-enjoy muna ni Anne ang buhay niya kasama ang kanyang magama at busy rin siya sa pag-aalaga sa kanyang anak.
“I really want to be here for her as much as I can. Parang I don’t want to miss out on any of her firsts. Gusto ko super present ako, ‘yung oras ko talaga is for Dahlia,” sabi ni Anne.
Hoping si Anne na makabalik na sa Pilipinas bago matapos ang taon dahil dito niya gustong mag-celebrate ng Christmas, pero sa ngayon, steady lang muna sila sa Australia dahil na rin sa banta ng coronavirus disease.
“Hopefully by the end of the year, we’ll be able to come back to Manila na. Pero siyempre playing it by ear pa rin. We’ll see, pero ‘yon naman talaga ang goal, makapag-Pasko kami diyan,” saad ni Anne.
We’ll wait for your return Anne!