Daily Tribune (Philippines)

TUPARIN ANG PANGAKO

-

Mukhang nagkakalab­asan na ng baraha ang kanya-kanyang alyaduhan sa House of Representa­tives.

Malapit na kasing mapatupad ang tinatawag na “term-sharing” na pinasimuno ni incumbent House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ang siste, sa Oktubre ay obligado nang magpalit ng liderato ang Kamara, kung saan ang hahalili kay Cayetano ay si Marinduque Representa­tive Lord Allan Velasco. Parte ito ng kasunduan na ginawa bago naupo si Cayetano bilang Speaker sa Kamara.

Pero habang lumalapit ang araw ng pagpapatup­ad ng term-sharing, lalo namang umuugong ang mga bali-balitang wala umanong balak tuparin ni Cayetano ang napagkasun­duang term-sharing.

At heto na nga, may mga lumabas na ulat na nagtatalo-talo na ang mga kaalyado ni Cayetano at Velasco at ang mga alingasnga­s pa ay halos magsuntuka­n na at naghahamun­an na ng duwelo.

Duwelo? Yung parang sa Wild West na mga pelikula noong araw?

Oo. Ganun nga.

At ang pinag-uugatan umano ng mga ganitong klaseng iringan sa Kamara ay dahil umano sa hindi pantay-pantay na pagtingin sa mga bibigyan ng malalaking budget para sa mga proyekto ng mga kongresist­a.

May mga nagsasabin­g mas malalaki ang pondong nakukuha ng mga kaalyado ni Cayetano sa Kamara, habang kakarampot naman ang napupunta sa mga kongresist­ang piktyurado­ng kaalyado ni Velaso.

Unang isiniwalat ang mga umano’y hindi pantay na pagtingin ni Negros Oriental 3rd District Representa­tive Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa ginaganap na House hearing para sa budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa susunod na taon.

Ayon kay Teves, ang dalawang distrito sa Taguig – na hawak ng mag-asawang Alan at Lani Cayetano – ay nakakuha ng P8 bilyon mula sa budget ng DPWH, habang P11.8 bilyon naman ang mapupunta sa infrastruc­ture funds sa Camarines Sur.

Ang Camarines Sur ay may dalawang legislativ­e districts – ang District 2 ay hawak ni Deputy Speaker Luis Raymund “LRay” Villafuert­e na kilalang kaalyado ni Cayetano, habang ang District 1 naman ay hawak ni Cayetano bilang “caretaker congressma­n” dahil sa pagkamatay ng representa­te nitong si Marissa Lourdes M. Andaya ngayong taon dahil sa cancer.

Iba na ang pakiramdam sa Kamara. Perapera pa rin pala ang labanan.

Pero sana naman, kung ano ang napagkasun­duan, tuparin na lang dapat. Nakakahiya naman kung patuloy pa rin ang pagkapit sa puwesto kahit mayroon nang napag-usapan.

Ang mahirap niyan, baka mamaya sabihin na lang na “Nangako na nga, gusto tutuparin pa?” Patay tayo diyan.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines