Daily Tribune (Philippines)

COVINGTON, WAGI

- NI JOHN PAUL FRANCISCO

Dinurog ni Colby Covington ang dating teammate na si Tyron Woodley sa main event ng UFC Fight Night Sabado ng gabi sa UFC Apex arena sa Las Vegas.

Ang technical knockout win ni Covington sa welterweig­ht division ay bunsod ng rib injury ni Woodley bagamat sa simula’tsapul ay hindi nakaporma ang huli.

Ikinakasa ni Woodley ang isang guillotine choke nang bigla na lang siyang nagtataran­g sa sakit na pumuwersa sa referee na itigil ang laban at ibigay ang panalo kay Covington.

Naging epektibo ang striking ni Covington mula sa distansya bagamat maging sa clinch at labanan sa mat ay hindi nakakuha ng momentum si Woodley.

Sa iba pang laban, nagtabla sina Donald “Cowboy” Cerrone at Niko Price habang pinatulog ni Khamzat Chimeav si Gerald Meeraschae­rt sa pamamagita­n lang ng isang suntok.

Sa unang round pa lang ay nagmistula­ng nawala ng apoy si Woodley na Manalo nang mai-takedown siya ni Covington.

Sa fourth round ay muling na-takedown ni Covington ang dating teammate kasabay ng pagpapaula­n ng suntok na nagpaputok sa kanang kilay ni Woodley. Swerte na lang na nakarating si Woodley sa fifth round.

Ito ang ikatlong laban ni Woodley na hindi siya nakaporma matapos madomina nina Kamaru Usman at Gilbert Burns.

Matapos ang panalo ay agad iginiit ni Covington ang isang rematch sa division champion na si Usman. “I want my belt back,” ani Covington habang tinitingna­n ng mga doctor si Woodley.

 ??  ??
 ??  ?? Covington nagpaulan ng suntok
Covington nagpaulan ng suntok

Newspapers in English

Newspapers from Philippines