Daily Tribune (Philippines)

PAHIRAM LANG PALA

- PAULA ANTOLIN

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na sangkaterb­ang mga estudyante ang inilipat ng kanilang mga magulang sa pampubliko­ng paaralan dahil sa kahirapan na bunsod ng pagkawala ng maraming trabaho dahil sa pandemya.

At pagdating sa online classes, ilang mayors sa Metro Manila ang nakaisip na mamigay ng tablets sa mga magaaral upang magamit nila. Mahal naman nga kasi kung laptop ang ipamimigay.

Actually, sa isang siyudad, hindi naman tamang tawagin na namigay kundi nagpahiram lang. Opo, pahiram lang na kailangang isoli sa pagtatapos ng school year at kung masira ng gumagamit ay dapat ipagawa niya.

Wala na ngang libre ngayon pero mas okay sana, madam, kung pinahuluga­n n’yo na lang sa mga magulang ang tablet kaysa ipahiram lang.

Kunsabagay, marami rin naman kasing pamilya ang hindi makakaaffo­rd na maghulog. So, ingatan na lang ninyo ha.

Sa harap ng ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na itaas ang sweldo ng mga pulis ay hindi pa rin talaga matigil ang pagiging ghost cops ng ilan sa pakikipags­abwatan sa kanilang mga opisyal.

Makaramdam naman sana kayo ng konting hiya sa inyong uniporme dahil kung hindi kayo nagsisipas­ok sa inyong mga beat ay nasaan kayo? Anong illegal ba ang inyong pinagkakaa­balahan?

Sa mga opisyal nitong ghost cops, bukod sa kayo ang kumukubra ng sweldo nila ay baka naman may tara din kayo sa mga illegal na pinasok ng inyong mga tauhan.

Sa mga higher ups naman sa PNP, bawas-bawasan ninyo ang pagpapapra­ise release at pakisagot ninyo ang mga tanong natin sa media sa bawat araw dahil ang gustong malaman ng madla ay ang mga tunay na pangyayari.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines