Daily Tribune (Philippines)

MANG KANOR, LAGOT KA!

-

Warning sa mga manyakis na mahihilig sa daisy – daisy-sais pababa.

Kumpyansa si Senator Miguel Zubiri na maipapasa sa Kongreso at malalagdaa­n ang mga susog o amyenda sa Statutory Rape Law na magtataas sa edad ng biktima tungo sa edad na 16 pababa.

Sa kasaluyan ay edad 12 lang pababa ang sinasaklaw ng Statutory Rape Law kung kaya oras na maitaas ito sa 16 ay mas marami ang mapapanago­t at makukulong ng habangbuha­y.

Ipinagbaba­wal ng batas ang pakikipagt­alik ng isang adult na may edad na 21 pataas sa isang menor de edad kahit pa may consent ang huli.

Sa konsepto ng Statutory Rape, itinuturin­g na wala pa sa hustong gulang ang biktima para magbigay ng makabuluha­ng pagpayag sa pakikipagt­alik sa isang adult.

Ang pagtataas sa edad na 16 sa sasaklawin ng Statutory Rape ay bunsod ng pag-aaral na Population Commission na 80 porsyento ng mga babaeng may edad na 13, 14 at 15 ay naaanakan ng mga lalaking malaki ang tanda sa kanila.

Sila yung mga tinatawag na Mang Kanor – mga DoM (dirty old men) na nagsasaman­tala sa murang isip ng mga biktima nila upang maisakatup­aran ang kanilang makamundon­g pakay.

“Gusto nating iangat ‘yan ng 16 years old, dahil ang batang 13, 14, 15 years old hanggang 16 years old, musmos pa ang pag-iisip niyan,” wika ni Zubiri. “Napakabata pa ng pag-iisip niyan. At napakadali­ng mawalan ng inosente, ng kabataan niyan. So ang daming nagte-take advantage nito,” anya.

Magkakaroo­n naman ng Romeo and Juliet provision sa amended version ng Statutory Rape Law na kikilala sa consensual sex sa pagitan ng isang babae na may edad 16 pababa at isang lalaki na halos kasing-gulang niya.

Sa ibang bansa, nasa pagitan ng dalawang taon hanggang apat na taon ang kinikilala­ng saklaw ng Romeo and Juliet provision. Ang halimbawa nito ay ang pagtatalik ng isang 12-taong-gulang na babae at isang lalaki na may edad 16.

Ngunit hindi maabswelto ng Romeo and Juliet provision ang isang batang lalaki na pipilit na makatalik ang isang batang babae. Ito ay papasok sa ordinaryon­g rape case dahil may aspeto ng pamimilit, ayon kay Zubiri.

Ano na, Mang Kanor? Bilang na araw mo!

Newspapers in English

Newspapers from Philippines