Daily Tribune (Philippines)

NADINE, PHILIPPINE­S’ SEXIEST WOMAN!

- NI LARS ALEXANDERS­SON

Mga mars, full force pala ang mga tagahanga at tagasunod ng aktres na si Nadine Lustre sa pagboto kaya naman hindi nadethrone ang dalaga bilang Philippine­s Sexiest Woman ngayong taon na ito.

Aminado umano ang mga fans ni Nadine na nagpuyat talaga sila upang mapanatili sa top spot ang kanilang idolo at huwag ka, second time na palang nahirang si Nadine bilang pinaka-seksing babae sa Pilipinas na una niyang nakopo noong 2018.

Hindi rin pala nasilat ng aktres at TV host na si Maine Mendoza ang korona at nanatili itong nasa second spot, habang si ang newcomer na si Christime Samson ay pumangatlo sa fifth edition ng Philippine­s’ Sexiest Woman.

Ang bombshell na si Ivana Alawi naman ay nasa ikaapat na puwesto habang nasa panglima si Sachzna Laparan.

Top six naman si Barbie Imperial na winner last year, habang pangpito na si Lou Yanong at bumagsak sa pang-walo si Kathryn Bernardo at nanatili naman sa ikasiyam na puwesto si Bela Padilla at si Jennylyn Mercado na first winner ng Sexiest Women in PH noong 2016 ay humabol pa sa Top 10.

Nasa 11th to 20th spot naman sina Catriona Gray, Kim Domingo, Bianca Umali, Pia Wurtzbach, Rhian Ramos, Sanya Lopez, Jessy Mendiola, Maja Salvador, Andrea Torres at Yen Santos.

Congratula­tions Nadine! Char!

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines