MAGUINANAO MASSACRE SARADO NA
Kung meron man sektor na patuloy sa pagtuligsa sa umano ay mabagal na gulong ng hustisya sa bansa sa ilalim ng administrasyon ni Presidente Rodrigo Duterte ay binura naman ito ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) makaraang ituring nito na lutas na ang kaso ng Maguindanao massacre.
Ito’y isang malaking pagkilala at isang karangalan sa administrasyon ni Tatay Digong dahil sa totoo lang naman, seryoso naman ito sa pagbibigay ng hustisya sa mga nangangailangan at pagbibigay ng seguridad sa mga mamamahayag.
Ito ay kanyang pinatunayan nang lagdaan nito ang isang Executive Order na nagbuo sa Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) sa pamumuno ni executive director at Usec. Joel Egco.
Nagbigay ito ng kasiguruhan sa mga practicing journalists na meron silang masasandalan sa oras ng kagipitan. Ito naman kasing si Usec. Egco ay dating pangulo ng National Press club (NPC) kaya alam niya ang kaganapan sa ground at kung ano ang tamang diskarte.
Anyway, si UNESCO assistant director-general for Communication and Information Moez Chakchouk mismo ang nagsabi sa kanyang liham kay Ambassador Theresa Lazaro, na kinikilala ng UNESCO ang konkretong pagmamalasakit ng pamahalaan na bigyang hustisya ang pagkamatay ng mga biktima at madakip ang mga salarin at suspek sa Maguindanao massacre.
Si Chakchouk naman ay nagsabi na itinuturing na nila ang pagkakaresolba ng massacre at isasama na raw nila ito sa UNESCO Observatory of Killed Journalists at sa “2020 Director-General Report on the Safety of Journalists.” Di ba naman kasi, nahatulan na ang mga pangunahing akusado sa massacre na karamihan ay journalists.
Pero bakit itong National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na umano ay tagapamandila ng karapatan ng mga mamahayag ay nagpadala ng sulat sa UNESCO kung saan sinabi nito na naaalarma sila sa pahayag ng UNESCO na lutas na ang Maguindanao massacre.
Tila hindi sang-ayon ang NUJP at iba pa nitong kapanalig na mamamahayag ang pagkilala ng UN na lutas na nag halos isang dekadang malagim na masaker sa kasaysayan ng pamamahayag sa bansa.
Dapat tumulong na lamang sila sa kolektibong pagkilos para ipagtanggol ang mga mamamahayag sa bansa.
At ano itong ugong na “nanghihingi sila ng pera gamit ang hinaing at pangalan ng mga naulila ng mga biktima sa masaker?”
Limpak-limpak na dolyares, maging euro money umano ang pumasok sa kanila galing sa mga nahingang international media, ngunit wala namang napunta sa mga pamilya ng biktima.
Kailangan bang magkaroon ng audit para malaman kung saan napunta ang mga donasyon for transparency?
Kung pagtulong lamang ang pagbabasehan dapat doon na lamang tayo tumindig at kung meron man tayong mga kasapi na pansarili lamang ang agenda ay teka muna, hindi tama yan mga brad, at patunayan natin na tayo ay handing lumaban para sa hustisya sa mga biktima ng Maguindanao massacre na tapos na nga.
Nakakalungkot pero kailangan ba nating kuwestiyunin ang pahayag ng UNESCO sa pagkakalutas ng kaso ng masaker, gayong malinaw ang desisyon ng korte sa Pilipinas sa loob ng 10 taon na guilty ang mga nasasakdal?