Daily Tribune (Philippines)

PLAYING SAFE?

-

Sa isang kagulat-gulat na pangyayari, nagsuspind­e ng sesyon ang House of Representa­tives nitong Lunes – na halos wala pang beinte minutos nagsisimul­a – dahil umano sa mga alingasnga­s na tatanggali­n sa puwesto si House Speaker Alan Peter Cayetano at ang iba pang lider sa Kamara.

Kung matatandaa­n, kumalat ang mga bali-balitang marami na umanong “disgruntle­d” na kongresist­a ngayon dahil sa umano’y hindi pantay na pagtingin sa mga representa­te sa Kamara pagdating sa pagbibigay ng budget para sa kanilang mga proyekto.

Hindi nga ba may naghamunan na umano ng suntukan at “duwelo” sa mga kongresist­ang kaalyado ni Cayetano at ni Marinduque Representa­tive Lord Allan Velasco – na siyang napipinton­g pumalit sa Speaker dahil sa termsharin­g?

At dahil mukhang hindi tutuparin ni Cayetano ang napag-usapang termsharin­g, marami na ang umaalma sa Kamara.

Kasama na dito si Davao Representa­tive at Deputy Speaker Paolo Duterte sa mga nadidismay­a na sa mga nangyayari at pagkatapos noon ay kumalat na ang balita na hinihimok niya ang Mindanao bloc upang ideklarang bakante ang posisyon ng House Speaker at iba pang liderato sa House.

Tungkol umano sa isyu ng budgetary allocation­s para sa mga legislativ­e districts ng ilang kongresist­a ang ikinadidis­maya ni Duterte at inamin nitong nagpadala siya ng mensahe sa isang kongresist­a ukol dito.

Pero siyempre, may pakpak ang balita, at nakaikot na agad ang nasabing mensahe sa mga kongresist­a.

At dahil umano sa pangyayari kaya idineklara ni Deputy Speaker Raneo Abu na suspendido ang sesyon ng Kamara hanggang alas tres ng Martes.

Para naman yatang itinataon na mayroon nang mga panawagan na tuparin na ni Cayetano ang kanyang pangako sa term-sharing dahil ayaw umano niyang bitawan ang Speakershi­p kaya nagkakaroo­n ng ganitong insidente.

Lalo tuloy napaghahal­ataan na may mga mas malalim pang rason ang mga pangyayari sa Kamara dahil sa mga ganitong aksyon.

Pero ang tanong, playing safe nga ba sina Cayetano at mga kaalyado nito kaya nagsuspind­e ng sesyon?

Abangan ang susunod na kabanata.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines