Daily Tribune (Philippines)

SIMON, FREE AGENT NA?

- NI BEA MICALLER

Kinumpirma ni Magnolia Hotshots coach Chito Victolero na inalis na sa kanilang roster ang prolific player na si Peter Jun Simon na nagtutuldo­k na sa makulay na 15-year career ni Simon sa Philippine Basketball Associatio­n (PBA).

Ayon kay Victolero, hindi na umano nagrerepor­t sa practice si Simon kung kaya inilagay na lamang siya sa free agency at maaari na siyang lumipat sa ibang mga koponan kung gugustuhin niya.

Ayon sa mga sources, hindi na umano nagparamda­m si Simon simula nang mamatay ang ama nito noong Setyembre 2.

“Right now, he’s a free agent and any team can acquire him for that matter,” sabi ni Victolero. “He is not going to join us in the bubble and I want him to be the one to announce what his decision will be moving forward.”

Isa si Simon na may makulay na karanasan sa PBA.

Matapos ang kanyang magandang performanc­e sa mga defunct Metropolit­an Basketball Associatio­n and the Philippine Basketball League (PBL), napunta si Simon sa Sta. Lucia Realty bilang 43rd overall pick noong 2001 Rookie Draft. Sa kanyang unang tatlong taon sa liga, hindi masyadong napansin ang kakayahan ni Simon pero umalagwa siya noong makuha siya sa Purefoods pagkaraan ng tatlong taon kung saan naging eight-time champion sila at naging eight-time AllStar siya.

Sinabi naman ni Victolero na umaasa siyang mabigyang linaw ang nangyari kay Simon.

“We are really planning to give PJ a proper send-off because this team will not be where it is today if not for his talent and skills,” sabi ni Victolero. “So if everything gets back to normal, we will prepare something for him.” Dagdag pa ng Hotshots coach, nagiwan ng magandang legacy si Simon sa kanyang koponan.

“My request to PJ was to guide our guards so when he retires, we’ll still be armed,” sabi ni Victolero. “He did exactly that. He really helped us in molding the future of this team.”

Bukod kay Simon, nasa free agency na rin sina Sonny Thoss, Chris Exciminian­o, RR Garcia, Sol Mercado, Ronald Tubid at Yousef Taha.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines