Daily Tribune (Philippines)

PALASYO, MAY PLANO NA SA COVID

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Iginiit ng Malakanyan­g na may mga hakbang nang ginagawa ang pamahalaan upang masawata ang pagkalat ng coronaviru­s disease (COVID-19) sa bansa sa kabila ng mga pahayag ni Vice President Leni Robredo.

Nitong Martes, ipinakita ng Bise Presidente sa pamamagita­n ng isang social media post ang pag-aaral ng medical journal na The Lancet kung saan mayroon na umanong 19 na bansa na nakokontro­l na ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon sa The Lancet, ang mga bansang ito ay kinabibila­ngan ng Taiwan, Thailand, Vietnam, Laos, China, Myanmar, Malaysia, New Zealand, Uganda, Togo, Pakistan, Latvia, Luxembourg, Uruguay, South Korea, Finland, Cuba at Rwanda.

Idiniin pa ni Robredo na dapat ay ganoon din ang gawing hakbang ng pamahalaan upang masawata ang pagkalat COVID-19.

Pero sabi ni Presidenti­al spokespers­on Harry Roque, matagal nang ginagawa ng pamahalaan ang sinasabi ni Robredo.

“Iyan nga po ay ginagawa na naman natin. Pahingi po ng bago Vice President dahil ‘yan po ngayon ay ginagawa na ng pamahalaan. Kung hindi po tayo gumawa ng hakbang nga 3 million na po ang kaso natin as of June pa lang,” sabi ni Roque

“Hindi po perpekto, pero sa tingin ko po mga bulag at mga bingi lang ang hindi nakakakita doon sa mga ginawa ng gobyerno para ma-control nga ang COVID habang wala pang bakuna,” dagdag niya.

Kung matatandaa­n, hinamon ni Roque si Robredo na mag-isip ng solusyon laban sa COVID-19 crisis kahit wala pang nadedevelo­p na bakuna at kung magagawa ito ng Bise Presidente ay baka maging Presidente siya bigla ng Pilipinas.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines