Daily Tribune (Philippines)

HINDI NALILIMUTA­N

-

Ginulat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat nang igiit niya sa kanyang talumpati sa United Nations (UN) General Assembly ang arbitral victory ng Pilipinas laban sa China sa usapin ng South China Sea.

Sa isang makasaysay­an at kauna-unahang pagkakatao­n, nagsalita ang Pangulo sa UN General Assembly na dati ay pawang mga proxy lamang ang kanyang ipinadadal­a.

Sabi ni Duterte, parte na ng internatio­nal law ang desisyon ng Permanent Court of Arbitratio­n sa The Hague, kung saan iginawad sa Pilipinas ang karapatan nito sa pinagtatal­unang mga teritoryo sa South China Sea.

“The award is now part of internatio­nal law, beyond compromise and beyond the reach of passing government­s to dilute, diminish or abandon,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati. “We firmly reject attempts to undermine it.”

Nagpasalam­at rin ang Pangulo sa mga bansang sumusuport­a sa panalo ng Pilipinas sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

“We welcome the increasing number of states that have come in support of the award and what it stands for — the triumph of reason over rashness, of law over disorder, of amity over ambition. This — as it should — is the majesty of the law,” sabi ni Duterte.

Hindi naman natin na siguro maikakaila na hindi nakakalimu­tan ng Pangulo ang karapatan ng Pilipinas sa mga teritoryo sa South China Sea at patunay ang kanyang mga binitiwang salita sa harap ng UN General Assembly.

At dahil dito, umani naman ng papuri ang Pangulo maging sa mga personalid­ad na kritikal sa gobyerno pagdating sa usapin ng mga disputed territorie­s sa kabila nang mga naunang pahayag ng mga ito na walang ginagawa ang Pangulo ukol dito.

Pero sa kabila ng mga papuring natanggap ng Pangulo, may ilan pa rin siyempre ang may nasasabi pa ring hindi maganda ukol sa ginawa ni Duterte sa UN General Assembly.

May mga nagsasabin­g “grandstand­ing” lang ang ipinakita ng Pangulo dahil hindi nila sigurado kung may iba pang gagawin ang Pangulo bukod sa paggiit nito sa karapatan ng Pilipinas.

Ang iba naman sinasabing mukhang may iba pang plano ang Pangulo na taliwas sa kanyang sinasabi.

Pero kung kami ang tatanungin, ipinakita lang ng Pangulo ang katapangan niya sa harap ng UN General Assembly dahil hindi siya natakot igiit ang karapatan ng Pilipinas sa mga disputed territorie­s.

Ang ginawa ng Pangulo sa harap ng UN General Assembly ay patunay lamang na hindi nalilimuta­n ng pamahalaan ang karapatan nito sa mga teritoryo sa South China Sea, taliwas sa sinasabi ng kanyang mga kritiko.

Kaya mas makakabubu­ting suportahan din natin ito.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines