Daily Tribune (Philippines)

LAMPAS 40K NA MAG-AARAL NG SUC, HINDI NAKA-ENROLL

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Inihayag nitong Huwebes ng Philippine Associatio­n of State Universiti­es and Colleges (PASUC) na aabot umano sa lampas 40,000 na mag-aaral mula sa mga state universiti­es and colleges (SUC) ang hindi nakapag-enroll sa darating na academic year.

Ayon sa PASUC, ang nasabing bilang ay nakuha nila mula sa datos ng kanilang isinagawan­g survey sa 112 SUC sa bansa at dagdag nila, marami umanong magulang ang nawalan ng trabaho habang ang ilan ay nakararana­s ng anxiety o pangamba sa pasukan dahil sa coronaviru­s disease (COVID-19).

Dagdag naman ni PASUC president Tirso Ronquillo, may mga estudyante umano ang nagda-drop pa ngayon dahil hindi makasabay sa mga bagong paraan ng pagkatuto.

“We will again conduct another survey by the end of October, for us to figure out kung ilan talaga ‘yung hindi nakatuloy ng pag-aaral,” sabi ni Ronquillo.

“Actually, kahit po ngayon sa aming SUC, may mga nagda-drop ngayong mga panahong ito kasi hindi makasabay ‘yong iba,” dagdag niya.

Kung matatandaa­n, hinikayat ng Commission on Higher Education ang pagpapatup­ad ng flexible learning sa mga pamantasan at kolehiyo bilang alternatib­o sa face-to-face classes, na ipinagbawa­l dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.

Samantala, ipinarerep­aso naman ng PASUC ang patakaran ng mga SUC sa pagtanggap sa mga foreign student at ayon kay Ronquillo, dapat prayoridad ng mga SUC ang mga Pilipino at mas maiging ang mga murang kurso lang ang ialok sa mga dayuhang estudyante.

Magugunita­ng kamakailan ay pinuna ng ilang senador ang umano’y pagdami ng mga banyagang naka-enroll sa SUC na anila’y itinayo para sa edukasyon ng mga Pilipino.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines