Daily Tribune (Philippines)

CAYETANO, INALOK NG PUWESTO

PEACE OFFERING NI SPEAKER VELASCO…

- NI KITOY ESGUERRA

Matapos humupa ang kaguluhan sa Kamara at maituloy na ang pagpapasa sa 2021 national budget, inihayag ng bagong-talagang House Speaker na si Marinduque Representa­tive Lord Allan Velasco na handa niyang gawing deputy house speaker o chairperso­n ng alinmang komite si Taguig Representa­tive Alan Peter Cayetano.

Sa isang panayam, sinabi ni Velasco na bukas siyang ibigay ang posisyon ng deputy speaker kay Cayetano.

“Yes, of course. He’s (Cayetano) the former speaker and I truly believe that he deserves the position,” saad ni Velasco.

Ang pahayag ni Velasco ay kasunod nang pagpapasa ng Kamara sa third and final reading ng panukalang P4.506trillio­n national budget.

Ayon pa sa House Speaker, maaari rin umanong maging chairman ng isang congressio­nal committee si Cayetano.

“He can choose either a committee chairmansh­ip or a deputy speaker position,” sabi ni Velasco.

Kung matatandaa­n, sinabi ni Velasco na nagkaayos na sila ni Cayetano matapos ang kanilang pagpupulon­g kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong nakaraang Martes.

“Like what I said last time during one of my speeches, I said

I’m extending my healing hand to former Speaker Cayetano and I did,” ani Velasco.

Nitong nakaraan lamang, niratipika ng mayorya sa Kamara ang pagkakaluk­lok kay Velasco bilang House Speaker kung saan ibinoto siya ng 186 na mga kongresist­a sa Celebrity Sports Plaza sa Quezon City.

Nilinaw rin ni Velasco na walang mangyayari­ng reorganiza­tion sa mga deputy speakers at committee chairmen hanggang sa muling pagbubukas ng sesyon sa susunod na buwan.

Sinabi rin ni Velasco na ang supermajor­ity sa Kamara ay binubuo na ng 286 hanggang 289 na kongresist­a.

“Sa panahon ngayon, especially sa COVID, kinakailan­gang iisa kami, isang buo ang Kongreso nang sa gayon ‘yung pagpasa namin ng mga bills ay talagang mapabilis,” saad ni Velasco

Newspapers in English

Newspapers from Philippines