Daily Tribune (Philippines)

NETIZENS, TODO-TANGGOL LIZA KAY SOBERANO

- NI VINNIE JAMES

Nagpahayag ng suporta ang mga netizens sa aktres na si Liza Soberano matapos umani ng batikos ang dalaga at inakusahan ng isang vlogger na kabahagi umano ito ng rebeldeng grupo.

Naging guest speaker kasi si Liza sa isang webinar na inorganisa ng Gabriela Youth na na binubuo naman ng mga kabataang miyembro ng women’s rights group na Gabriela.

Nagbigay ng personal experience at ng mga kakilala niya sa virtual seminar na pinamagata­ng “Tinig ni Nene: Reclaiming Our Voice on the Internatio­nal Day of the Girl Child.”

Dito nag-ugat ang kontrobers­iya, dahil gamit ang isang part ng speech ni Liza sa nasabing webinar, isang vlogger na nagngangal­ang Maui Becker ang bumanat sa dalaga sa pamamagita­n ng kanyang YouTube livestream na may titulong, “LIZA SOBERANO, MIYEMBRO NA NG NEW PEOPLE’S ARMY?”

Kinuwestiy­on nito ang pagpayag ni Liza na maging bahagi ng mga proyekto ng Gabriela at sinabihan pa na atupagin na lang ang pagiging artista.

“Intindihin mo na lang ang trabaho mo. Pero sige, kalayaan mo ‘yan pero make sure lang na knowledgea­ble ka sa mga bagaybagay,” banat ng vlogger.

Dagdag pa nitong pang-ookray sa dyowa ni Enrique Gil, “Eh, ngayon mukhang wala kang alam na ‘yung Gabriela ay salot sa lipunan, miyembro ng mga terorista at komunista, rebelde, NPA, front ng NPA. At wala kang ka ide-ideya. E kung ganyan na wala kang kaalam alam Liza, e manahimik ka. At hands off our children, Liza, you stupid b **** .”

Siyempre, hindi ito pinalampas ng mga tagahanga ni Liza at hinikayat din ang dalaga at ang manager niya na si Ogie Diaz na idemanda ang nasabing vlogger sa malilisyos­ong pinagsasab­i nito sa kanyang YouTube video.

Umalma ang mga fans ni Liza at kanyakanya silang post sa social media para ipagtanggo­l ang dalaga hanggang sa maging top trending topic na nga sa Twitter ang hashtag #DefendLiza­Soberano.

“I-report natin ang mga ganitong content. Hindi lang dapat #DefendLiza­Soberano kundi i-defend natin ang lahat ng mga gustong magsalita laban sa administra­siyon na siyang nila-label naman bilang mga ‘terorista’. #StopTheAtt­acks,” suggestion ng isang Twitter user.

“Resorting to red-tagging just to discredit Liza Soberano and Gabriela Youth’s efforts to raise awareness on women and children’s issues really shows you how a woman’s voice, one that stands firmly with her sisters and her countrymen, makes fascists quiver,” comment ni @burikalat.

Sunud-sunod naman ang tweet ng manager ni Liza na si Ogie Diaz laban sa vlogger. Hindi man niya pinangalan­an, maliwanag na si Maui Becker ang kanyang pinatatama­an.

“Si ateng bading, ubo nang ubo at tila makati ang lalamunan sa kanyang livestream. Pa-swab test ka na kaya.

“Bago mag-redtag, pa-check up mo muna yung ubo at kati ng lalamunan mo. Pa-swab test muna. Baka kung ano na yan, teh,” unang tweet ng talent manager-comedian.

“Si bakla, detalyado nyang naikwento ang galawan sa bundok ng NPA. Ang nakarating sa akin, galing na pala siya dun. Na-shock nga ako sa kwento sa akin, kalokah. #KayaPala,” ang mga bweltang mensahe ni Ogie

Mariin din niyang dinenay na binayaran daw si Liza para magsalita sa Gabriela Youth webinar, “Me ‘money involved’ daw ba yung guesting ng alaga ko?

“Wala po. Ang alam ko, may ‘money involved’ sa mga nagre-redtag sa alaga ko. Monthly daw yan. #workfromho­mesila.”

Pinasalama­tan din ng talent managercom­edian ang mga nagtanggol kay Liza, “Maraming salamat sa lahat ng pumupuri sa pagpoprote­kta ni Liza Soberano sa mga kababaihan at kabataan.

“Ganon talaga ang may tunay na malasakit sa kapwa,” sabi pa ni Ogie Diaz.

Pinayuhan din sina Liza at Ogie na sampahan na ng kaso ang nasabing vlogger para maturuan din ng leksyon. Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang pahayag si Maui Becker sa pambabatik­os sa kanya.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines